Chapter 19

9.2K 174 1
                                    

Max's Pov

Kanina pa namin hinahanap ang anak ko!!

'King ina.. Saan na naman ba nagpupunta yun?'

Pati sila Maze at Daddy ay kanina pa naghahanap kay Spaun. Si Deib naman kasama ko dalawa kaming naghahanap sa anak namin. Nagtanong na rin kami kung may nakita silang bata. May nakita kaming Ale nilapitan namin, baka sakaling nakita niya

"Ale may nakita po ba kayong bata ganito kalaki?" tanong ni Deib

"Ah. Oo dun dinala" turo niya sa isang hotel na hindi namin pag-aari

'Ano naman ang gagawin ng batang yun diyan?' sabi ko habang nagtataka. Ganon din ang reaction ni Deib

"May kasama siyang dalawang babae at isang lalaki" dugtong pa niya sa sinasabi. Nagulat kami kasi hindi sumasama si Spaun kahit kanino "Mukhang tulog yung bata buhat nila e. Bumili kasi ako ng----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad na pinuntahan ang hotel

'Tulog na bata?'


Deib's Pov

Nung malaman ko na may batang dinala dito sa hotel na tinuro ng Ale agad akong sumunod kay Babe dahil kinutuban na ako na si Spaun nga ang batang dala nila.

'Ano na naman ba ito?'

"May dinala daw ditong bata?" tanong ni Babe sa babae dito sa hotel

"Opo." sabi ng babae

"Anong Room?"tanong ni Babe.

"Room 124 po. Bak----" hindi na naman pinatapos ni Babe ang sinasabi ng babae, agad siyang pumunta ng elevator at bumukas agad iyon pumasok agad siya at sumunod ako

Pinuntahan namin agad ang Room na sinabi ng Babae kanina. Kumatok na kami ng kumatok hanggang sa may narinig kaming sigaw ng bata.

"WHO ARE YOU?! LAGOT KA SA MOMMY KO!!! MOMMY!!!"

'Anak ko!!'

"Babe si Spaun yun" sabi ko habang sobra sobra na ang takot ko baka kung ano na ang gawin nila sa anak ko. Biglang bumukas ang pinto at agad na pumasok si Maxpein at nakita namin si Spaun na may tape ang bibig at nakatali! Agad akong lumapit sa anak ko na umiiyak na. Yung lalaki ay nakahandusay na sa sahig pero alam kong pinatulog lang siya ni Maxpein. Agad na lumapit sa amin si Babe at niyakap si Spaun, tinanggal ko na ang tape sa bibig niya at ang tali habang pinapatulog ni Babe yung lalaki namukhaan ko yung lalaki. Kasama namin yan dito

'Anong atraso namin sayo?' sabi ko sa isip habang nakatingin sa lalaking nakahandusay. Dumating na rin ang babae may kasamang guard

"Anong nangyayari dito Miss?" tanong ng guard

------Pls Vote and Comment. Thank You------

HE'S INTO HERWhere stories live. Discover now