IKA TATLUMPU'T ANIM

3.4K 73 5
                                    

Humalik ako sa pisngi niya. Halata parin ang inis sa mukha ni kuya kahit noong nakipagkamay siya kay Jacob. Magka edad lang si kuya at si Jacob.

"You're here" nakangiting bungad ni mama sa amin. Humalik kaming pareho sa pisngi ni mama.

Naglakad kami sa dining. The atmosphere sounds strange. Si papa at si mama ay nagtitinginan, si kuya naman ay iling ng iling.

"Good evening, sir, ma'am" pamungad ni Jacob kaya napunta lahat ang atensiyon namin sa kanya.

Naka upo siya ng maayos na maayos.

"I. . I asked Althea to marry me and-" pinutol ko siya roon.

"I said yes" seryosong wika ko.

Namangha ang mga mata ng mga magulang ko. Ang kuya ko naman ay walang ibang ginawa kundi umiling at magpakita ng pagka dismaya.

Tumingin naman si Jacob sa akin at ngumiti sa kabila ng kaba kaya ngumiti narin ako..

"Congrats" simpleng sagot ni papa.

"I am happy for you, dear" lumapit si mama sa amin at nagbeso.

"Salamat ma"

Tumingin ako kay kuya at tumango lang siya. Sus. Ano ba problema nito?

"I apologize for the late notice, matagal ko na po talagang gustong hingin ang kamay ni Althea kaya lang, I feel like my world is not yet ready for her, kaya inayos ko po muna ang mga bagay bagay, it took me a lot of time" paliwanag niya.

"At, ayos naba lahat?" Seryosong tanong ni kuya.

"Almost" sagot ni Jacob.

"Almost? Ibig sabihin ay hindi pa ayos ang lahat, and yet, you're here" iba na ang tono ni kuya. Halatang magagalit na siya. Konting pitik nalang.

Bigong ngumiti naman si Jacob bago bumaling sa akin.

"I can't let her go this time, Art. You know, lagi mo akong pinipigilan, noong okay pa ang lahat, you blocked me at ngayon-"

"That's because, I don't like you for her" matabang na wika ni kuya.

What? Kelan pa ito? Kelan pa iyong okay ang lahat pero pinipigilan siya ni kuya?

"Tama na" pamagitna ni papa.

"Arthur, be calm, bisita parin natin si Jacob dito" seryosong wika ni papa na siyang nagpa tigil kay kuya. Umiling na naman siya bago sumandok na ng pagkain niya.

To change the mood. Mom asked Jacob a question.

"So?. Kelan niyo ba balak magpakasal?" Mom asked.

"Ma, engaged muna" wika ko kay mama. Masyado naman ata siyang excited.

"I want us to get married as soon as possible ma'am but I respect her decision" seryosong sagot na naman ni Jacob. He looks tense kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"Until it's okay to get married, ma, pa. Hindi naman ako bulag sa sitwasyon. . And I know, this is not a good time for this but I love him" mahinang wika ko. Hindi maalis ang titig ni kuya sa akin kaya napapayuko nalang ako.

"What are your plans, Jacob?" Mahinahong tanong ni papa.

"Dettachements, senator" seryosong sagot niya na hindi ko na gets kaya tumingin ako sa kanya.

"Magagawa mo yun?" may panghahamon na tanong ni kuya.

"I already did"

Bakas ang gulat sa mga mukha ng pamilya ko. Dettachments?. Saan naman?.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon