Untitled Part 33

2.5K 116 3
                                    


ISANG lace dress na halos transparent at scalloped ang hemline ang napiling isuot ni Sari. Pinatungan niya iyon ng floral-printed na jacket na may isang butones sa gitna at kasing-haba ng bestida.

Nilagyan lamang ng mousse ang maikling buhok para sa uncombed look. There was a time na ayaw niyang ipa-trim man lamang ang buhok na hanggang balikat. Dahil gustung-gusto niya ang pakiramdam kapag hinahaplos iyon ni Aldon. Matagal na siyang nag-iba ng hairstyle, sapagka't ayaw na niyang makita ang dating sarili sa tuwing haharap sa salamin.

Pinagmasdan ni Sari ang reflection sa salamin. Napangiti siya sa nakikita. She looked carefree and smart kagaya ng gusto niyang mangyari. She was no longer the sweet and pretty Sari at nais niyang ipamukha iyon kay Aldon.

Bitbit ang purse na sumakay siya sa kotse. Alam niyang by this time ay nagsisimula nang magsidatingan ang mga panauhin sa hotel na pagdarausan ng party. Sinadya niyang ganoong oras umalis ng bahay upang sa ganoon ay hindi siya masyadong maaga. At hindi rin naman late.

"Look at this!" bulalas ng isang tinig. Nilingon iyon ni Sari na patungo sa kinaroroonan ng mga elevators. Si Steve Rios.

Of all people! sigaw ng isip niyang ang unang naisip na gawin ay tumakbo sa hagdanan. Ngunit magmumukha naman siyang katawa-tawa kung gagamit siya ng hagdan.

Palapit na sa kanya ang lalaki. Nakasuot ng beige suit at sa tingin niya ay walang nagbago dito. May limang taon na siyang hindi nanonood ng TV programs ng lalaki. Hindi dahil sa ayaw na niya itong makita, kung hindi, higit sa lahat, ay ayaw niyang maalala ang una nilang pagkikita. Kung saan naniwala siya na ang inis na ipinakikita ni Aldon sa TV man ay dahil sa matinding selos. Such stupidity! Ang totoo pala ay nais ni Aldon na ma-attract siya kay Steve. Nang sa ganoon nga naman ay hindi nito kargo de konsiyensiya ang paghihiwalay nila.

"The prettiest lady is unescorted. I don't think it is proper," deklara ni Steve.

"I don't need an escort. This is my family, too," aniya at tiningala ang elevator kung nasaang floor na iyon.

"Not anymore, Miss Sideco," wika ni Steve na idiniin ang salitang Miss. "The marriage was declared null and void. The final scheme of an scheming old man. He didn't succeed this time." He was grinning.

At ang unang naisip gawin ni Sari ay ang pukpukin ito ng kanyang purse. But that wouldn't be so smart.

"I'd like to escort you," anito kasabay ang pagbukas ng elevator. Walang nagawa si Sari sapagka't nakahawak na sa siko niya si Steve. "Before I forget, congratulations. You did a good job on that detergent commercial, kahit marami ang nagtaas ng kilay."

"Thank you." Aware si Sari sa mga criticisms. Ngunit wala siyang pakialam doon.

"What can you say when your detractors say it's cheap?" tanong pa ni Steve. This time, nginitian ito ni Sari.

"Always a TV man, huh, Steve?" aniya. Tinitigan lang siya ng lalaki. "I just wanted to tell the truth. That's my answer to your question. I'm tired of manufacturers lying to the consumers." Inaaming hindi naman pala masama kung tinanggap niya ang alok ni Steve. At minsan pa niyang napatunayan na mahusay nga pala itong makipag-usap. Nawala ang pagiging stiff niya. Nang bumukas ang elevator ay relaxed na siya sa company ni Steve.

"How do you know that they're lying?"

"I used to be a housewife."

"Oh!" amused na nausal ng lalaki. "This way, lady." At iginiya si Sari patungo sa gitna ng pagtitipon kaparis din noon. Halos lahat ng naroroon ay kakilala ni Steve at kabi-kabila ang kinakamayan nito. Ang iba ay niyayakap at ang iba pa rin ay hinahagkan.

"Sari!" Tinig ng babae mula sa kanan niya. Si Felice, ang Mama ni Aldon. Ngumiti siya at iniwan si Steve para lapitan ang dating mother-in-law.

"Kumusta ka, Felice?" aniya at kitang-kita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng babae. Ngunit ano ang magagawa niya? She couldn't call her mother.

Ngunit madali ring nakabawi sa pagkagulat si Felice. Niyakap siya at hinagkan sa pisngi. "I've been hearing a lot about you these days. And you look so great!"

"Thank you. You look great, too, and younger than when I last saw you."

Tumawa si Felice. Flattered. Ngunit hindi naman nagsisinungaling o nambobola si Sari. Talagang sa tingin niya ay hindi tumatanda ang dating biyenan. Slim and poised. Well-dressed sa suot na itim na bestida. At walang dudang totoo lahat ang mga alahas na nakasabit sa katawan nito.

Deep inside her, she was feeling a bit disappointed dahil hindi niya inaasahang magiging magiliw at mainit ang pagtanggap sa kanya ni Felice. Sapagka't nitong huling limang taon ay hindi man lamang sila nagkausap o nagkakumustahan kahit sa telepono. Inilayo na niya ang sarili sa pamilya Latarde.

And she was expecting her to be civil, but not warm and friendly. After all, hindi naman siya dumalo sa pagtitipong ito para makipagkaibigan sa mga Latarde. Kung hindi para bigyang-pugay ang kanyang benefactor and best friend, si Lolo Claro.

"Who's with you, Sari?" tanong ni Felice.

"I—I came alone," tugon niya na hindi maintindihan kung bakit hindi siya komportable sa tanong. "But Steve—Mr. Rios offered to be my escort."

"Steve? Oh, the TV man."

Tumango si Sari. "How's Armando?"

"Fine. You knew how he was. He really did feel fine only when Aldon took over the company."

Muling tumango si Sari. Kaya siguro mukhang masayang-masaya ang kanyang mother-in-law, dahil nabawasan na ang pagiging bugnutin ni Armando na dala lamang ng pressures ng pamamahala ng mga negosyong iniwan ni Don Claro.

Sa pagkakaalam niya ay walang ginawa ang mag-asawa kundi ang mamasyal kung saan-saang bansa pagkatapos maisalin kay Aldon ang kontrol ng mga kompanya. Pagkatapos ng kasal nila—Natigilan si Sari.

Could it be the reason? Possible. At muling nabuhay ang galit niya para sa lalaki.

"Sari? Something's wrong, dear?" si Felice.

"N-no. Nothing. Naalala ko lang si Lolo. Ano kaya ang masasabi niya if he were alive tonight?"

"We all miss him. Pero alam namin na higit mo siyang naalala. You were closest to him and we are grateful for that." Hindi makapaniwala si Sari. Ang mga Latarde, grateful? Wala siyang naramdamang ganoon. Wala siyang nakitang ganoon.

"Mas higit akong dapat na magpasalamat. Ibinalik ko lang ang nagawa niya para sa akin."

"That was long ago, Sari. Noong una, medyo mahirap talagang tanggapin na mas naramdaman mo kung paano mahalin ni Dad kaysa sa aming totoo niyang pamilya. But then, through the years, nakita namin ang pagkakaiba mo sa amin and we understood and felt grateful. Na-realize namin na—you know, we never really needed the old man dahil may kanya-kanya kaming buhay. Kanya-kanyang pamilya sa loob ng isang malaking pamilya. While you were alone. You needed him. At most of the times, he felt so alone, too... and needed you."

Tumango lang si Sari. She wanted to cry, hindi dahil sa sinasabi ni Felice, kung hindi dahil naaalala na naman niya si Lolo Claro. When, as a girl, she would look up to him and see sadness in those eyes that had seen it all. At magkukuwento ito ng nakaraan at laging kasama roon si Fidela.

"He's happy now. Hindi na n'ya tayo kailangan, he's home to Fidela."

"You're right," wika ni Felice. Ngunit hindi na nakatingin sa kanya kung hindi sa likuran niya at hindi niya maipaliwanag ang expression sa mukha ni Felice. Surprise, worry or hope?

"Good evening, Sari," bati sa kanya ni Aldon. His eyes shattering the wall she had built around her. She was suddenly cold. 

Semper FidelisWhere stories live. Discover now