Chapter 21

15.2K 670 200
                                    


Zaparta's POV

Pagod na nahiga ako sa higaan pagkatapos kong magpatuyo ng buhok pagkatapos maligo. Sobrang nakakapagod ang training namin ngayon. Pinahirap kami ni Stace ngayon. Para syang demonyo ngayon na hindi naaawa sa lagay namin kaya tila ayoko ng gumalaw pa. Mabuti na lang rest day bukas kaya matutulog ako magdamag.

"Kriza, inaantok na ako. Mauuna na ako matulog ngayon sayo." sabi ko na nakapikit. Kahit pagdilat ay nahihirapan ako. Gusto ko na lang matulog ngayon. "Sorry hindi kita makakantahan bago ka matulog. Hindi ko na talaga kaya." sabi ko pa.

Hindi sya sumagot pero hinawakan nya ang ulo ko. Ngumiti ako at tumagilid paharap sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero baka bawal. Hanggang hawak kamay pa lang ang nagagawa ko sa kanya pero gusto ko talaga syang yakapin.

Bahala na nga.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko papunta sa tiyan. Pigil hininga ang ginawa kong 'yon. Naipatong ko na ang braso ko sa tiyan nya at kabadong naghihintay sa gagawin nya kung tatanggalin nya ba ang kamay ko. Nagdadasal ako na hayaan nya ako since gusto nya din ako. Yun lang ang tanging pinanghahawakan ko kaya lakas loob kong ginawa ito.

Gumalaw sya. Napakagat ako ng labi dahil baka tanggalin na nya pero umayos sya ng pagkahiga. Nakaupo kasi sya kanina tapos ngayon nakahiga na. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa tiyan nya. Mukhang tatanggalin na nya. Siguro, bawal pa.

Pero ang inaasahan ko ay hindi nangyari. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ako. Kumabog ang puso ko at napadilat sa ginawa nyang 'yon. Nagtama ang tingin naming dalawa. Medyo nagulat ako dahil nakatingin pala sya sakin tapos ang lapit pa ng mukha namin.

"Goodnight." sabi nya pero hindi inaalis ang tingin nya sakin.

Napakagat ako ng labi at sumubsob sa leeg nya. Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Lalong tumatagal, lalo sumasaya ang mga araw ko kasama sya. Madalas man kami hindi magkita dahil sa magkabilang team kami pero sa umaga at gabi naman ay magkasama kami.

"Goodnight, Kriza." mahinang sabi ko at payapang natulog habang yakap-yakap sya.

Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Kriza sa kwarto. Alas otso na din ng umaga kaya paniguradong lumabas na 'yon. Bumangon ako para maghilamos at magtoothbrush. Pagkalabas ko ng banyo ay sya naman ang pasok ni Kriza.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng mukha. Mga ganitong tanong, sinasagot nya naman ako kahit papaano.

"Tapos na." sagot nya at pumunta sa study table nya. 

"Ah." sabi ko na lang dahil naubusan ako ng sasabihin. "Kain lang ako." dagdag ko. Nakita ko naman na tumango sya na hindi ako nililingon.

Hindi ako umalis kahit na nagpaalam na ako. Gusto ko pa syang makausap pero wala akong maisip na sasabihin. Nauubusan talaga ako ng sasabihin lalo na hindi naman sya madalas sumagot sakin pero masaya naman ako na magkasama kami at magkatabi. Okay na ako don pero mas sasaya ako kung babalik ang dating kami noon.

Napalingon sya sakin na nagtatanong ang mga mata. Siguro iniisip nya kung bakit hindi pa ako lumalabas. Napakamot ako ng batok ko at dahan-dahan na naglakad patungo sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob tapos tumingin sa kanya. Nakatingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin at binuksan ang pintuan. Hindi ako kumilos. Tila ayokong lumabas pero nagugutom na ako.

"Zaparta." medyo nagulantang ako sa tawag nyang 'yon. Minsan nya lang tawagin ang pangalan ko kaya nakakagulat sa tuwing sinasabi nya 'yon. "Kakain ka ba o ano?"

"Kakain po." sabi ko. Nilingon ko sya at nakatingin pa din sya sakin. "Sabay tayong kumain."

"Tapos na akong kumain." sabi nya. At least nakatingin na syang kumakausap sakin.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now