Chapter 8.2

2.6K 38 0
                                    

AGAD na lumapit si Elij sa table ni Rachel Leigh sa loob ng G Club kung saan ito tumutugtog. Isa itong rock band vocalist at iyon na ang pinagkakakitaan nito.
“Rachel,” bati niya dito at naupo sa katapat nitong silya. “Narinig mo ba ang tungkol kay Ate Sandra?”
Nakita niya ang pagbahid ng kalungkutan sa mga mata nito. Kilala niya ito bilang isang taong hindi nagpapakita ng mga nararamdaman sa harap ng iba pero mukhang napakahalaga talaga dito ni Sandra para malungkot ng ganoon.
“Ano bang nangyari?” tanong niya pa.
“Ang alam ko lang ay may gustong ipagawa sa kanya si Anthony pero sumuway si Ate Sandra. Narinig ko lang sa usapan nila na gusto niya ng umayaw sa grupo, na nahihirapan na siya,” sagot nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Matagal niya ng sinasabi sa akin na nahihirapan na siya.”
“Dahil mahirap naman talaga ang ipinapagawa sa kanya ni Anthony,” sabi ni Rachel. “He wants her to kill someone. Kahit ako ay gusto kong tutulan ‘yon, pero hindi ko magagawang pakialaman ang mga utos ni Anthony.”
Naisubsob niya ang mukha sa dalawang kamay. Mali na si Anthony, mali na ang lahat ng ginagawa nito. Pero ano nga bang magagawa nila? Hindi nila magagawang kalabanin ito.
“Galit na galit si Anthony,” dugtong pa nito. “Ayokong masaktan si Ate Sandra. Kung nasaan man siya ngayon, sana huwag na siyang magpakita kay Anthony.”
“Pero hahanapin pa rin siya ni Anthony,” sabi niya. Gusto niyang sabihin dito na itinatago ni Brian si Sandra pero hindi maaari. Hindi niya alam kung sino ang maaaring makarinig sa kanila dito.
Tumingin sa kanya si Rachel. “Papakiusapan ko si Anthony,” wika nito. “Pipilitin kong hayaan niya na lang si Ate Sandra.”
Tumango siya. Kung may taong makakapagpabago ng desisyon ni Anthony, siguradong si Rachel Leigh iyon. Anthony had been very fond of Rachel since then.
Ilang sandaling katahimikan ang dumaan bago niya naisipang itanong ang kalagayan nito ngayon. “Kumusta ka na nga pala? Ang tungkol sa pagsubaybay mo kay Christopher?” Gusto niyang malaman kung may nagawa na ba ito sa utos ni Anthony. Dahil kung sakaling mayroon na, baka hindi na ipatuloy ni Anthony ang misyon niya kay Thaddeus. Tutal, hindi naman talaga ito ang target nito. Nadamay lang ito dahil lawyer ito ni Christopher at isa sa mga breakers.
“Ayos lang,” simpleng tugon nito.
Gusto niya sanang palawakin pa nito ang sagot nito pero alam niyang hindi na naman ito magsasalita, lalo na kapag hindi nito gusto ang usapan.
Tumayo na siya. “Aalis na ako,” paalam niya. “Kailangan ko pang bisitahin ang kapatid ko sa ospital.”
Tumingin ito sa kanya. “Kumusta na nga pala siya?”
“Maayos na naman pero kailangan na siyang ma-operahan,” sagot niya. “Ipinagdarasal ko na sana makahanap na sila ng heart donor para tuluyan na siyang gumaling.”
Tumango na lang ito at tuluyan na siyang nagpaalam. Pagkalabas niya ng club ay pumara na siya ng taxi para dalhin siya sa Azcarraga Hospital.
Pagkarating sa ospital ay agad siyang dumiretso sa kuwarto ng kapatid. Pagkapasok niya sa loob ay sinalubong siya ng nurse na nagbabantay doon at ibinalitang nakahanap na daw ng heart donor para sa kapatid niya. Baka daw sa susunod na linggo ay ma-operahan na ito.
Lubos ang kasiyahan niya sa balitang iyon. Mabuti naman at tuluyan ng gagaling ang kapatid niya. Pagkaalis ng nurse ay agad siyang lumapit sa kama ng kapatid na masayang naglalaro. Kumunot ang noo niya sa mga bagong eroplanong laruan na hawak nito.
Umupo siya sa gilid ng kama nito. “Sam,” tawag niya dito. “Alam mo bang gagaling ka na?” nakangiting tanong niya.
Tumango ito. “Opo, sinabi sa akin noong nurse,” masayang tugon nito. Nagpatuloy ito sa paglalaro.
Hinawakan niya ang isang airplane toy na nasa kama. “Kanino galing ito?”
“Kuya Thaddeus,” sagot nito na ikinagulat niya.
“Galing siya dito?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. “Sabi niya, bili niya pa ako dami laruan paggaling ko. Bait-bait ni Kuya,” tumawa pa ito.
Napangiti siya sa nakikitang kasiyahan ng kapatid.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now