Chapter 137

2.2K 46 11
                                    

(A/N: Sorry natagalan. Hope u'll like the update, hehe. BAKA matagalan ulit yung kasunod. Intay-intay lang.)



RICK POV


"Peeeerv.." Nagising ako dahil sa marahang pag-alog sa balikat ko?


"Why, my Queen? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko.


Umiling-iling lang naman siya tsaka nag-pout. Pfft, such a cutie. Nanaba na ang mukha niya sa loob ng anim na buwang pagbubuntis. Medyo lumobo na rin ang katawan. Puro pagkain ba naman ang inaatupag, tsk tsk.


"Nauuhaw ako, Perv. Give me water." Naupo siya sa kama tsaka kinuha ang phone niya sa side table. Ako naman ay bumangon na at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina nila sa baba.



I checked my wrist watch. It's 12:37 am. Hindi na bago sa akin ang ganito, pagbangon nang madaling araw. Lalo na nung mga panahong naglilihi pa siya. I can't forget that day when she woke me up at 2:00am and asked me to buy her a sardine shake. I didn't know where she got that idea but fuck, where could I buy a sardine shake? Dahil alam ko namang walang nag-eexist na ganon, ako nalang mismo ang gumawa ng shake na gusto niya. I tasted it and it tastes like shit pero sarap na sarap siya. Imagine cold grinded sardines with sugar and milk? Hahaha, natatawa nalang talaga ako kapag naaalala ko.



"Here's your water, my Queen." Inabot ko yun sa kanya at inubos niya naman agad.


"Perv, birthday nga pala ni Dane ngayon. Dalawin natin siya." Sabi niya nang nakatuon ang tingin sa phone niya.


"Oh, sure. Si Dane, Yurika's real dad." Bahagya akong napangiti. Ibinaba naman ni Queen ang phone niya at hinawakan ang kamay ko.


"Perv, sa tingin mo ba dapat na nating sabihin kay Yurika ang totoo? Na hindi tayo ang biological parents niya?" Napatingin ako sa kanya, seryoso lang ang mukha niya.


"No, di pa siguro sa ngayon. Baka hindi niya pa maintindihan." Nakangiting sagot ko. "Go back to sleep now, Queen. Goodnight, I love you."


Hinalikan ko ang noo niya at inalalayan na siyang makahiga. "I love you too, Rick." Humiga na ako sa tabi niya at niyakap siya.

Sana kapag sinabi na namin kay Yurika ang totoo, maintindihan niya.

--


QUEEN POV


Nandito kami ngayon sa office ni Dra. Chua, ang OB ko. Today is my ultrasound. Malalaman na namin ang gender ng anak namin. I'm with Perv, btw.


"Excited na ba kayong malaman ang gender ng baby niyo?" Tanong ng doktor habang inaayos ang mga gagamitin.


"Yes doctora. The same excitement nung aalamin din namin ang gender ng panganay namin." Masayang sagot ni Perv. Napangiti si doctora at napangiti rin naman ako.


Maya-maya lang ay inumpisahan na ang ultrasound. Pinarinig pa samin ang heart beat ni baby kaya pareho kaming naiyak ni Perv sa tuwa.


"Congrats, you're having a baby boy." Nakangiting sabi ni doctora. Nagkatinginan kami ni Perv at sabay na naiyak ulit. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.


"I'm having my junior." Bulong niya sakin bago bumaba sa tiyan ko at hinalikan iyon kahit nandun pa yung pinahid ni doc. "Hi there, my little prince. Tatay can't wait to see you."

Hinaplos ko naman ang ulo ni Rick habang kinakausap niya ang tiyan ko. Adorable.



--



"Nanay, what's the result po?" Agad na sumalubong sa amin si Yurika pagkarating namin sa bahay.

Nandun din sila mommy at ate Corrine. Nasa office pa siguro ang mga kuya't si daddy.


"It's a boy!" Masayang balita ko sa kanila. Napangiti at tuwang-tuwa sila ate at mommy at nagtatalon naman sa galak ang panganay ko.


"Yehey! Yehey! Yehey! I'm having my baby brother, yehey!"


Niyakap naman ako ni Perv mula sa likod ko sabay bulong ng, "She's undeniably cute."


"Of course. Just like her father."


"Yeah. Like me."


"Huh? No, like Dane." Kinalas niya ang pagkakayakap sakin at tinignan ako nang masama.

Natatawa nalang ako nang maglakad siya papalayo nang nakasimangot.


"Anong nangyari don?" Nagtatakang tanong ni ate Corrine.


"Hahaha, ewan. Baka nababaliw." Sabi ko at sinundan si Perv na umakyat sa kwarto. Naabutan ko siya sa kama ko at padapang nakahiga.


"Hey, Rick!" Pagalit na tawag ko sa kanya.

Agad-agad naman siyang bumangon. Pfft. He doesn't like the idea of me being mad because he knows it will stress me out.

Napasimangot naman siya ulit nang makitang natatawa ako sa kanya at hindi naman talaga ako galit. Inismiran niya lang ako at ibinaling sa iba ang tingin.


"You're cute." Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.


"I thought Dane is cute, not me?" He said then smirked. Pfft.


"Hay naku, Perv. Nasa langit na yung tao pinagseselosan mo pa. Baliw." Natatawang sabi ko, at natawa nalang din siya.

I sitted on his lap and than wrapped my right arm on his shoulder.


"Ang bigat mo." Natatawang sabi niya. Tinarayan ko lang naman siya. Hmp.


"Ano kayang pwedeng ipangalan sa anak natin?" Tanong ko.


"Good thing you asked. Actually may naisip na talaga 'ko." He said at itinaas-baba pa ang kilay.


Hmm. Di naman siguro Rick Anthony Brixton Jr. ang naisip niya no?



---

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Where stories live. Discover now