Chapter 14

34.2K 1.1K 1.3K
                                    

Mariana's POV

"Sige ilabas mo lang yan" habang hinahagod ko ang likod ni Chelsea at hawak hawak ang buhok nito.

Kasalukuyan niyang nakikipag-session sa bowl dito sa CR ng hotel room namin.

"Gusto mo ng tubig?" tanong ko ulit rito ng sumuka nanaman ito.

*bwak*

"Hay nako"

"Tubig please" sabi nito at sumandal sa pader ng banyo.

Lumabas muna ako ng banyo at ipinagkuha siya ng tubig.

Nope. Hindi siya lasing. Hindi din nakainom.

10 minutes ago palang noong bigla niya akong hinatak palabas ng restaurant dito sa hotel at nag-aya bigla na bumalik ng hotel room dahil masama daw ang pakiramdam niya.

Nagtaka naman ako bigla dahil okey pa siya noong binuhat niya yung bata na Jane din ang pangalan. Eh baka biglang umakyat ang kinain niya dahil sa pagkarga doon sa bata?

Inabot ko yung tubig sakanya at matapos nitong uminom ay inalalayan kong umupo sa may sofa.

"Bakit namumutla ka?" takang tanong ko rito at hinawakan ito sa noo. "Hoy Chelsea bakit ang lamig mo? Hindi kaba natunawan?" pagaalala ko rito.

"I'm fine.. I'm fine.. don't worry about me" sagot naman nito at sumandal at ipinikit ang mga mata.

"Okey.. sabihan mo agad ako kung ano ang masakit sa'yo ha" atsaka ako umupo sa kabilang sofa at binuksan ang TV.

Nilipat ko ang channel sa CinemaOne at ang palabas ay Etiquette for Mistresses. I watched this movie for several times na pero the impact is still there.. sobrang ganda. The idea of the movie itself is astonishing. Kasi oo nga naman, in our society, we have this mentality na we keep on blaming the mistresses about the deed of our partners, yung lahat ng masasakit na salita ay nasa kabit. And we never asked ourselves on what is on their mind? Wow, parang Facebook status lang. Pero on the serious note, diba?

Bigla akong nagulat sa na-realize ko at nilipat ko agad ang channel sa mga international channels: American Ninja Warrior nalang.

Buti nalang at hindi naman ata nanunuod si Chelsea at hindi nakita yung palabas kanina. Tinignan ko siya at ganon padin ang pwesto niya; nakapikit padin.

Parang bigla akong nagutom. Hindi pa naman kasi kami gaanong nakakakain kanina ni Chelsea noong bigla itong nag-aya na umalis na. Sayang tuloy yung in-order ko. Hindi din naman ako gaanong kumain sa eroplano dahil excited na excited akong umuwi ng Pilipinas.

Lunch time padin naman at napag-isipan kong bumaba at mag-take out ng pagkain from the Resto. Instead of asking some staffs, ako nalang mismo ang bumaba dahil gusto ko din lumabas ng kwarto at tignan itong hotel ng pamilya ko.

"Good Afternoon, Ma'am Mari" bati saakin ng mga staffs na nakakakilala saakin.

Binati ko rin sila pabalik at kinumusta ang mga ito.

Habang hinihintay ko na i-prepare ang food at nag-insist ang staffs na sila nalang ang mag-deliver sa kwarto namin, pumunta muna akong CR dahil hindi kona mapigilan pa ang ihi ko kung aakyat pa ako hanggang 9th floor.

Walang tao noong pumasok ako sa restroom at dali daling pumasok sa cubicle.

"I'm still here in the hotel. Yes. Yes, I can hear you. I will see you later, okay?"

Yung ihi ko biglang umurong noong narinig ko yung boses na yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun.

Nang marinig ko na lumabas na ito ng restroom ay doon palang ako lumabas ng cubicle. Nakita ko sa salamin yung itsura ko, shookt na shookt. Namumula pa ang mga tenga ko. Kung sinuswerte ka nga naman!

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon