Chapter 12.1

2.4K 28 0
                                    

NANG hindi magawang ma-kontak ni Elij ang pinsan niyang si Brian at si Sandra ay napilitan na siyang tawagan si Anthony. Ito na lang ang nag-iisang pag-asa niya para malaman kung nasaan si Brian, sana naman ay mapagbigyan siya nito.
“Bakit?” narinig niyang bungad na tanong ni Anthony nang sagutin nito ang tawag niya. “May ibabalita ka na bang maganda sa akin ngayon, Elij?”
“W-Wala pa, Anthony,” mahinang sagot niya. “M-May gusto sana akong itanong sa’yo.”
Marahas itong napabuntong-hininga. “Ano?” nasa tono na nito ang pagkainis.
Nag-aalangan siyang nagpatuloy. “A-Alam mo ba kung… kung nasaan si Kuya Brian ngayon?”
“Yong lalaking iyon na naman,” inis na tugon nito. “Wala na akong pakialam sa pinsan mong iyan at sa kung anumang ginawa niya. Puro kapalpakan lang naman ang dinudulot niyan sa akin. Kaya nga hindi ko na siya tinulungan nang humingi siya ng tulong noong nakaraang linggo dahil alam kong papalpak din siya.”
Napabuntong-hininga siya. So, wala itong kinalaman sa pagkadukot kay Matthew? Si Brian lang talaga ang gumagawa ng lahat ng ito.
“Gustong-gusto niya kumilos sa sarili niyang paraan,” pagpapatuloy pa ni Anthony. “Bahala siya sa buhay niya pero sa oras na magdala siya ng problema sa grupo, alam niya na kung ano ang kahihinatnan niya,” may pagbabanta na sa tono nito.
Nakaramdam siya ng matinding takot sa sinabi nito. Hindi talaga magandang kalabanin ang lalaking ito. Nanghihina siyang napaupo sa kama nang tapusin na nito ang tawag. Ano ng gagawin niya? Gusto niyang mailigtas si Matthew pero paano? Ang tanging magagawa niya lang ngayon ay patuloy na ipagdasal ang kaligtasan nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon