Kabanata 36

746K 31K 17.9K
                                    

Kabanata 36

Boyfriend


We stood there silently, watching each other. O siya lang talaga dahil ilang beses kong iniwas ang tingin ko dahil pinag-iinitan ako ng pisngi habang tumatagal.

"Uh, may ibang gagawin ka pa ba rito sa La Carlota? Tapos na kasi ako kaya uuwi na..." I said to disturb our deafening silence.

"Let's have dinner first, before going home."

Unti-unti akong tumango. Iniisip ko naman talaga 'yon kanina kaso baka lang gusto niya nang umuwi na. "May alam akong madadaanang restaurant. Doon na lang."

"Magpaalam tayo sa mga magulang mo. Baka mag-alala sila na ginabi ka."

"Sanay na naman sila na ginagabi ako. Pero... uh... sige, magpapaalam ako."

Sumulyap ako sa sasakyan ko. Umatras siya at lumapit na sa pintuan. Sumunod ako. He opened the car door for me.

"Thanks," sambit ko bago unti-unting pumasok.

"You're welcome. Mauna ka. Susunod ako."

Tumango ako at pinaandar na ang sasakyan. Sinarado niya ang pintuan at umikot na siya. Hinintay kong makapasok siya sa sasakyanan bago ibinagsak ang noo sa manibela. Hindi ako makapaniwala! This is really happening, isn't it? He is now really my boyfriend.

Dati pa lang, mahal ko na siya. Walang ipinagbago iyon. Nang nakita ko siya ulit, tama si Ella nang sabihin niyang bukod sa gusto kong humingi ng tawad, umasa nga ako ng kaunti na gusto niya pa rin ako. When he courted me, the only reason why I didn't say yes immediately was because I wanted to get to know him again. Kaya lang sa isang linggong balik niya sa cafe, walang ipinagbago ang nararamdaman ko. I still do like him so much. I've never liked someone the way I liked him. This is not just because he loved me from the very beginning. I've had a few friends who claimed they loved me, but never did I once got intrigued and hooked the way Alonzo got me years ago.

Hindi ko tuloy alam paano maging girlfriend! Ni wala man lang akong experience paano 'yon! I'm already old enough and yet I'm new to this!

Mamaya pag-uwi ko, magbabasa ako sa internet kung paano ba maging girlfriend! Nakakahiya naman!

Sa tabing parking lot lang siya nag-park. Nasa labas na ako nang lumabas siya sa sasakyan niya. We looked at each other and the only thing running on my head is... 'I can't believe he's my boyfriend!'

"Pasok na tayo?" yaya niya.

"Okay."

Sabay kaming pumasok. My mind is just stuck on the boyfriend thing. Tahimik siya at pinaupo muna ako bago siya. Agad na dumating ang menu kaya tumingin muna kami ng io-order.

"Anong gusto mo?" he asked.

Lagi akong kumakain doon kapag napapadaan kaya sinabi ko lang ang order. Ginaya niya lang ang gusto ko at nagdagdag ng isa pang ulam. We ordered drinks then after that, the waiter went away.

Kilala pa rin naman sa parteng ito ng Negros, mabuti na lang din at hindi naman ganoon ka kilala katulad sa Altagracia. I can only imagine the people around us losing their eyeballs for staring at us too much. Dahil alam ng lahat na may gusto si Alonzo sa akin, isang malaking scoop na magkasama kami sa dinner. Hindi pa nakakatulong na boyfriend ko na nga siya. Hindi man namin isisigaw iyon, pakiramdam ko may paraan para makabasa ng isipan ang mga taga Altagracia. Bago pa namin tahimik na ma enjoy ang isa't-isa, marami nang mang uusisa.

"Maaga kang nag out?" tanong ko dahil hindi naman sa ganoong oras siya dumadating sa cafe sa regular days na may duty siya.

"Nag half day ako," aniya.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon