Kabanata 37

604K 27.4K 19.8K
                                    

Kabanata 37

Relationship


Pinakamataas na building sa Altagracia ang building kung nasaan ang salon at spa na pinuntahan ko. I'm trying hard to relax but my mind just keeps on wandering about Alonzo. Ano ang ginagawa niya ngayon? Busy ba siya? For sure, he is.

I was inside the spa for almost three hours for the sauna, massage, and body scrub. Hapon na nang nasa salon ako. Laking gulat ko nang nakita si Ella na nakaupo na sa isa sa mga upuan sa harap ng salamin. What are the chances that we'd see each other here? Kung sa bagay, eto lang yata ang maayos na salon sa buong Altagracia.

"Si Miss Sancha, unahin mo!" utos ng nasa counter sa bading na nasa likod ni Ella.

Nilingon ako ni Ella, may galit sa itsura dahil sa utos. It was unjust, after all. I know our family is famous and rich but that doesn't mean I get a special treatment.

Naupo ako sa waiting area kahit pa lumapit na ang bading sa akin.

"Anong sa'yo, Miss Sancha?"

"Ah, unahin n'yo po muna siya."

"Hair treatment?" tanong nito, inignora ang nauna kong sinabi.

I gritted my teeth and realized I should do the treatment later. Para lang mauna si Ella sa akin.

"Manicure and pedicure lang po muna."

"Oh!" aniya sabay tingin sa isang babaeng ganoon yata ang trabaho.

"Hair treatment, Miss Sancha?"

"Mamaya na po ako magdedesisyon. Unahin ko na lang po ang manicure and pedicure," sabi ko para bumalik na nga siya kay Ella.

"Sige, Miss Sancha."

Mabuti na lang at nauna namang inayusan si Ella. I heard their conversation and I felt bad.

"Akala ko ba hair treatment?"

"Hindi na. Trim na lang at nawalan ako ng gana," aniya.

Hindi na ulit lumipad ang iniisip ko. Hindi na natanggal ang sinabi ni Ella. Inisip ko rin ang nangyari nitong nakaraang weekend. I can't stay near here and say nothing. I feel like words were always at the tip of my tongue. Kaya naman pagkatapos niyang magbasa ng buhok, hindi ko na napigilan. Nagsimula na ang pag-aayos sa kuko ko.

"Ella, I'm sorry about what happened at Almira's birthday party."

Nagulat siya sa pagsasalita ko. Para bang hindi niya inasahan na kakausapin ko pa siya.

"Ba't ka nagso-sorry? Dahil ikaw naman talaga ang may kasalanan pero ako ang nasisi?"

Maagap akong umiling. "No, I had my sweets tested and they're all negative. I-I just feel bad for what happened-"

"Stop it, Sancha. Itigil mo na ang bait-baitan mo."

I stopped and I realized that whatever I'll do, Ella just wouldn't understand anything. Her anger for me seems deep-rooted. Wala kaming ibang alitan kundi ang nangyari kay Alonzo ilang taon na ang nakalipas. Hindi ako sa Altagracia nagkolehiyo kaya bukod doon, wala na kaming ibang puwedeng interaksyon o pag-awayan. Maybe it affected her so much, the way it affected me. Maybe she just would never forgive me for what happened.

"You always act so kind even though I know you have other things and motives in mind. Kaya iniisip ko tuloy kung ano naman ang motibo mo sa pagpunta mo rito at pakikipag-usap sa akin."

"Hindi ko alam na nandito ka. I am just resting after a week of stress for the opening of my business."

"And you think I would believe that? Sancha, you're a scheming bitch and nobody notices that but me."

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon