Trese

173K 3.5K 77
                                    

Trese

Aura

Unti unti kong minulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang tama ng sikat ng araw sa mukha ko. Anong oras na ba? Bakit parang tirik na tirik na ang araw? Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata ko. 9:30 na pala! Dali dali akong tumayo at kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Kasalukuyan ako nagmamadaling maligo ng maalala kong wala pala akong pasok ngayon.

"Hay nako, Aura! Makakalimutin ka na talaga!" Mahina kong binatukan ko ang sarili ko.

Hindi nagtagal ay natapos rin ako maligo. Ano kayang magandang gawin ngayong araw na ito?

Lumabas ako at hinanap si Nanay. Nakita ko siyang nagdidilig ng halaman sa labas. Lumapit ako at niyakap siya.

"Good morning, 'nay!"

"Oh, anak ikaw pala yan. Good morning rin." Niyakap niya ako pabalik.

Nakangiting tinignan ko si Nanay. "Wala akong pasok ngayon, 'nay 'diba?Anong gusto niyong gawin?"

Sandali siya nagisip. "Gusto mo bumisita kila tatay at kuya mo?"

Agad akong tumango. "Opo! Bisitahin muna natin sila tapos mamasyal na lang tayo nila Abby mamaya. Medyo matagal tagal na rin ng huling binisita ko sila. Baka mamaya niyan multuhin na nila ako!" Natatawa kong sabi.

Kinurot niya ang aking tagiliran. "Naku ikaw talagang bata ka! Oh siya, kumain ka muna ng almusal. Magpapalit lang kami ng damit ni Abby tapos aalis na tayo."

"Okay!"

Pumunta ako sa kusina at kumain saglit. Tapos ay bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng pangalis. Nag pangbahay muna kasi ako. Kumuha ako ng simpleng blouse at pantalon. Sinuot ko rin ang flatshoes ko. Ginawa ko namang messy bun ang buhok ko.

"Okay na 'yan." Sabi ko sa sarili ko habang nasa harapan ng salamin.

Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga dapat kong dalhin.

"Nandito na ba ang lahat?.... Ay wait! Yung cellphone ko pa pala." Hinanap ko ang cellphone ko sa kama pero hindi ko ito makita.

"Asan kana?" Kung saan saan ko hinanap ang cellphone ko pero wala talaga. Sa paghahanap ko ay may nasagi ako dahilan para mahulog ito.

"Ano ba 'yan!" Yumuko ako para pulitin ito pero bigla ako natigilan ng makita ko kung ano ito.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti. "M-Migi..." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Ito yung iniwan sa akin ni Migi bago siya tuluyan umalis.

-FLASHBACK-

Palabas na sana ako ng hospital ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad.

"Aura, bestfriend!" Sigaw ng isang boses babae na kilalang kilala ko naman kung sino. Si Yenny.

"Hmm?" Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.

Nagtaka ako ng di oras dahil ngiting ngiti ito. Ngiting nakakaloko. Napaka weirdo naman nito ngayon sabi ko sa sarili.

Magsasalita na sana ulit ako ng may bigla itong inabot sa akin na isang regalo.

"Huh? Para saan 'yan?" Pagtataka ko dahil hindi ko naman birthday at wala 'ring mahalagang okasyon ngayon sa pagkakaalala ko.

Bahagya itong natawa sa sinabi ko. May nasabi ba akong nakakatawa?

"Ano ka ba! Naiwan mo kaya yan sa locker mo. Kukunin ko na dapat yung binilin mo kanina para sa isang pasyente. Sakto pagbukas ko nahulog iyan. Akala ko nakalimutan mo lang kunin 'yan kaya hinabol kita." Turo niya sa regalo.

"Huh?" Buong pagtataka ko. Binigyan ko siya ng Hindi-Ko-Alam-Ang-Sinasabi-Mo look.

Mukha namang nainitindihan niya ang  ibig kong sabihin.

"Ibig sabihin hindi mo 'yan nilagay o naiwan lang doon? O wala ka talagang tinanggap na regalo mula kanino?" Takang tanong din niya at kumunot ang noo.

Tumango ako dahil wala talaga akong alam. Wala naman kasi 'yan kanina nung kinuha ko ang mga gamit ko.

Napatingin kami pareho sa hawak kong regalo.

"Tignan mo nga kung may card." Suggestion niya.

Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa upuan na malapit sa amin at unti unting binuksan ang regalo.

Nakabalot parin ang loob nito kaya di pa namin malaman kung ano ang laman nito.

"Ayan yung card oh!" Kinuha ito ni Yenny at iniabot sa akin.

Dali dali ko itong kinuha at binasa.

Bigla akong nanlumo sa nabasa ko at hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang hawak hawak kong card. Naramdaman ko din ang pag init ng mga sulok ng mga mata ko.

Pinulot ito ni Yenny at malakas na binasa..

'I'll be back. Wait for me. - Migi'

-END OF FLASHBACK-

Naalala kong iniwan niya ito sa locker ko noon. Apat na taon na pala ang nakalipas. Ang bilis talaga ng panahon. Kamusta na kaya siya? Naaalala niya pa rin ba kaya ako? Wala na kaming komunikasyon simula nun. Pagkabalik kasi namin sa ospital ay agad kaming sinalubong nung taong naghahanap sa kanya. Laking gulat ko nga ng makita ko ang tatay ni Migi sa loob ng pinagstestayan niyang kwarto. Pinalabas nila ako dahil maguusap sila. Hindi na kami nakapagusap ni Migi pagtapos. Kahit paalam ay hindi na rin nangyari. Nalaman ko na lang na agad na pala silang umalis. Sinabi ko kay detective na wag na sana niyang ipapaalam kay Migi na ako ang nagsabi kung saan siya matatagpuan. Ayokong magaway kami dahil lang pinangunahan ko siya. Pero no choice na kasi ako eh. Mas ayoko naman na makita siyang nahihirapan.

Hindi ko maiwasang wag mapangiti kahit naiiyak ako. Ito kasi yung gustong gusto kong bilhin dati na nakwento ko sakanya. Hindi ko naman inakala na binili niya ito para sakin.

Ito yung storybook na Beauty and the Beast na gustong gusto ko bilhin kaso napakamahal. Kinuha ko ito at binalik sa lalagyan nito. Pinahid ko naman ang luhang tuluyan ng tumulo sa mukha ko. Pero nagtataka ako kung pano ko nasagi iyon. Nasa may maliit na bookshelf ko ito nilagay kasama ng mga ibang libro ko. Medyo masikip na ang lagayan kaya paano mangyayari na mahuhulog ko iyon? Hay nako. Ayan ka nanaman Aura. Kung ano ano pinagiiisip mo.

Binalewala ko na lang iyon at pinagpatuloy sa paghahanap ng cellphone ko. At nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nasa ilalim lang pala ng kama ko. Kinuha ko ito at nilagay sa bag ko.

"Aura, tapos na kami! Tara na!" Rinig kong sigaw ni Nanay.

"Nandyan na po!"

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon