Chapter 19 : Miniso

774 75 5
                                    

CHAPTER 19

NIANA'S POV






TILA HUMIWALAY ang kaluluwa ko sa katawan ko habang tumatakbo kasama ang ragasa ng mga estudyante.

Habang tumatakbo may mga silid kami na nadadaanan na nag-collapse sa hindi ko pa malaman na dahilan. May ilang mag-aaral at guro na natabunan ng mga gumuhong gusali at maswerte ako na hindi ako natatamaan ng mga bumabagsak na malalaking tipak ng bato galing sa kisame ng paaralan.

Mausok at maalikabok sa corridor dahil sa pagguho ng mga pader at kisame. Iilan na lang din ang mga estudyante na sinisikap pang makalabas ng paaralan papunta sa open space. Karamihan sa kanila ay may mga natamong sugat at ang ilan naman ay na-stuck na dahil nadaganan ng mga bumagsak na bato at cabinet. Ang ilan pa ay wala nang mga buhay pa.

Nakapanlulumong makita ang sitwasyon ng paaralan at mga nandito.

Ito ang ayaw ko sa kakayahan ko. Nakikita ko man ang hinaharap, wala naman akong magawa kundi panoorin lang ito at hintayin na bumalik ako sa kasalukuyan, sa normal.

Nang makalabas ako sa open space, tsaka ko lang nakita kung gaano kalaki ang pinsalang natamo ng unibersidad. Ang dating matibay na pundasyon nito ay gumuho na. Sa kasalukuyang estado nito, malabo nang makalabas ang mga nasa loob pa nito at himala na lang na may mailigtas pa ang rescue team sakali mang dumating sila.

Nanghihina ang mga tuhod ko dahil kalat-kalat ang bangkay sa bawat sulok ng paningin ko kahit nasa open space field na ako. Iwasan ko man na hindi tingnan ang ilan sa mga wala nang buhay na katawan dahil namumukhaan ko ang iba sa kanila, hindi ko pa rin maiwasan na makita sila.

Mula sa labas ng paaralan, nakakarinig ako ng iba't ibang ingay. Ang ilan ay parang tunog ng dalawang kotse na nagbanggaan. Halo-halo rin ang paghiyaw at pagtangis ng mga tao kaya sinundan ko ang ingay na 'to kaya tumakbo ako hanggang sa malagpasan ko na ang gate ng university.

The intoxicating smell of smoke and gas, as well as the distinct smell of blood welcomed me.

Sumabay ang pagdilim ng kalangitan sa maingay na kapaligiran. The dark clouds surrounded the sun, making everything under it scream in fear as the thunder roared. Mukhang pati ang klima, gustong lumikha ng kaguluhan. Nakakadagdag pangamba ang pagkulimlim ng kalangitan.

Napatalon ako at nakaurong nang makarinig ng malalakas na putok na parang nanggagaling sa matataas na kalibre ng baril. Sunud-sunod at walang preno, tuloy-tuloy ang palitan ng paputok kaya napatakbo ako kasama ang panibagong bugso ng mga tao na nagtatakbuhan palayo sa tunog ng mga baril.

Kahit vision ko lang ito natatakot pa rin ako sa buhay ko. Alam ko man na hindi naman ako masusugatan o masasaktan hangga't nandito ako sa hinaharap, hindi ko naman magawang balewalain ang kaguluhan na nangyayari sa paligid ko.

Lahat kami ay napayuko nang yumanig ang lupa kasabay ng nakakabinging pagsabog.

Lumakas ang hiyawan ng mga tao dahil sa gulat at takot, maging ang pag-iyak ng mga bata na kasama ng mga magulang nila mas lalong umalingawngaw sa lugar.

Nang maka-recover sila sa pagyanig, agad din silang tumayo at muling tumakbo palayo.

Tatakbo na sana ako ulit kasama nila pero nakakita ako ng silhoutte ng ilang mga tao na paparating mula sa gawi ko. Mga sundalo!

I sighed in relief as I assumed they were here to rescue the citizens.

But it was too early to rejoice.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon