Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)

13.1K 360 72
                                    

~unedited

Serene's POV

Ilang oras pa ang pinalipas ko bago ako nagpaalam sa kanya at nagpasalamat sa pagpapatuloy nya sa akin. Sabi nya magstay lang daw ako at doon na matulog sa kanila since gabi na rin. Nakakatukso man na pumayag tinanggihan ko. Marami pa akong kailangang asikasuhin at wala akong oras para magmukmok. 

Pinahatid ako ni Clarisse sa driver nila. Sa loob ng kotse ay nakatulala lang ako sa kawalan. Hinawakan ko ang gclef pendant ko at saka pumikit. Bakit ba kailangang magulo ng ganito ang buhay ko? 

Tinawagan ko sina Nyree at Kelly para mangamusta kung ayos lang ba sila. Gabi gabi ito ang palagi kong ginagawa. Since hindi pa maayos ang bahay namin mula sa nakaraang pagsugod, nandoon sila ngayon sa condo nila Jace kung saan kami pansamantalang tumitira. Hindi ko na kasi sila gaanong nakakasama kaya gusto ko kahit papaano, kahit sa telepono lang, alam kong ayos sila. Kahit anong mangyari, kahit malaki na sila at alam kong kaya na nila ang sarili nila, sila pa rin ang mga babies ko. Hindi ko sila pababayaan. 

Pinagbuksan ako ng pintuan ng katulong nila kuya Niel noong kumatok ako. Wala na sila attorney at Mr. Valdez sa paligid. Kahit pa si Pietr ay wala na rin. Gabi na at kailangan na rin nilang matulog. Hindi ko nga alam kung paano ako nagkaroon ng lakas na pumunta rito. Ang gusto ko na lamang ay matulog.

"Serene nanjan ka na pala." 

Napatingin ako sa taas ng hagdan at nakita si kuya Niel na pababa kung nasaan ako.

"Saan ka galing? Bigla kang nawala eh." 

Matipid akong ngumiti. "Nagpahangin lang. Gusto ko sanang kausapin si mama pero sa tingin ko tulog na sya. Bukas na lang siguro pagkagising ko. Pwede bang dito muna ako?" 

"Oo naman. Welcome ka rito anytime." 

"Salamat." 

"Pero halika muna rito sa taas tulungan mo kami." Hinila nya ang kamay ko paakyat ng hagdan. Magsasalita pa sana ako noong marinig ko ang boses ni Rico. 

"Niel where na you? I need your help!" 

Hinila ako ni kuya Niel papunta kung saan nanggagaling ang boses ni Rico. Sa loob ng isang kwarto nakita ko si Rico at may hinuhubaran sya...si Jace.

Nanlaki ang mga mata ko. "Rico!!" 

Tumingin sya sa akin at mas nanlaki ang mga mata nya. 

"Waah! Babes! Mali ang iniisip mo! Mali! Mali! Mali!" Namumula ang mukha nya. Kasabay ng pagtayo nya sa malaking sofa ay ang pagbitaw nya sa pagkakahawak nya sa damit ni Jace. Bumagsak si Jace sa baba ng malaking sofa. Noong makita ito ni Rico mas lalo syang nagpanic. "Oh my god! Oh my god! Si Jace! Waah! Tulungan nyo ako hindi ko na alam ang gagawin ko!" 

Agad na rumispunde si kuya Niel at iniayos si Jace sa may sofa. Hanggang ngayon nagpapanic pa rin si Rico. Binatukan sya ni kuya Niel. 

"Kalma lang. Mas lalong magkakasakit yung pasyente mo kapag ganyan ka eh." 

"Huhu sorry masyado lang akong nadala." 

"Ano bang nangyayari?" sabi ko noong lumapit ako sa kanila. Si Rico ang mabilis na nagsalita. Hinawakan nya ako sa may braso. May puppy eyes sa mukha nya. 

"Babes! Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang madumihan ang polar mo gamit ang madungis kong mga kamay." Tumingin sya sa mga nakabukas nyang mga palad. "Itong mga kamay na ito...ay makasalanan. Ang mga putik at dumi na nagmamantsa rito sa walang silbi kong mga kamay...ay nabahid na kay Jace." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon