Chapter 18: One step closer

1.3M 38.3K 10.2K
                                    


Tyler's Point of View

"THANK YOU—" HINDI ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may humila sa akin palayo kay Candice. Sinuntok niya ako nang malakas, dahilan para mapahiga ako sa sahig. "Ouch."

"Gago ka! Anong ginagawa mo sa asawa ko ha?" sigaw niya.

"Wala akong ginagawang masama," sambit ko habang pinapahid ko ang dugo sa labi ko. Ang lakas ng suntok niya. Halatang may galit siya sa akin. "Ang kapal din ng mukha mong sugatan ang mukha ko," sambit ko muli habang inalalayan ako ni Candice na tumayo.

"Jeydon, maghunos-dili ka. Wala kaming ginagawa!" sigaw ni Candice.

Hinila ni Jeydon palayo sa akin si Candice at patuloy niya akong tiningnan nang masama. Natawa na lang ako. Masyado pala siyang possessive. "Wala akong tiwala sa gagong 'yan. Alam kong wala siyang gagawin na maganda. At ikaw!" Lumapit siya sa akin na para bang sasapakin niya ako ulit. "Lumayo ka sa asawa ko!" Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa mga sinabi niya.

"Sino ka ba para diktahan ako? Fiancée mo pa lang si Candice at hindi pa asawa. Better watch your words, Jeydon," seryoso kong sabi. "Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw pa ang minahal ni Candice."

"Bakit? May problema ka ba do'n?" inis niyang tanong.

"Oo, kasi wala kang kwenta," sambit ko.

"Gago ka pala talaga eh!" sigaw niya at sinuntok niya muli ako. Hindi na ako nakapagtimpi kaya sinuntok ko siya pabalik.

"Akala mo hindi kita papatulan, ha? Kung gago ka, mas gago ako!" sigaw ko habang siya naman napahiga dahil sa suntok ko. "Ano, ha?"

Tumayo ulit siya pagkatapos sinubukan niya akong suntukin pero nakaiwas ako. Tinuhod ko ang tiyan niya at akala ko mapapabagsak ko siya pero hindi. Kinuha niya ang braso ko at ihinagis niya ako, dahilan para mapahiga ulit ako.

"Jeydon! Tama na! Please!" sigaw ni Candice.

Hindi siya nakinig at lumapit pa rin siya sa akin. Kinuha niya ang kuwelyo ng damit ko at sinuntok niya muli ako. Hindi ako makapalag sa kaniya dahil dinaganan niya na ako. "Walang kwenta, ha? Bakit? Sinong may kwenta para kay Candice? Ikaw?! Gago!" Nanlilisik na ang mata niya sa akin at sinuntok niya ulit ako. "Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo eh!" Sinuntok na naman niya ako.

"Jeydon, ano ba?" Pumagitna na sa amin si Candice kaya kahit papaano, huminahon na si Jeydon. "Tama na, utang na loob!" Hinila siya ni Candice palayo sa akin.

"Pasalamat ka nandito si Candice, kung hindi baka nasa ospital ka na ngayon," inis na sabi ni Jeydon.

"Tama na sabi eh!" awat ni Candice. "Tyler, pasensiya na talaga. Mabuti pa umalis ka na. Pasensiya na talaga."

"Sorry about what happened, Candice," paumanhin ko at saka ako naglakad palayo.

Pinahid ko ang mga dugo sa mukha ko. Ang lakas pala talaga ng gago na 'yon. Narinig ko pa ang sigawan nilang dalawa habang palayo ako. Hindi ko gustong maging dahilan ng pag-aaway nila ni Candice pero hindi ko talaga gusto ang tabas ng bibig ng Jeydon na 'yon. Mayabang siya at arogante. Nakakapagtakang minahal siya ni Candice.

Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan. Gusto ko sanang makausap muna si Serina nang wala si Charles.

Pag-park ko sa harap ng bahay ni Charles, nakaramdam ako ng kaba na matagal ko nang hindi naramdaman. Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit sila makakausap. This damn feeling is killing me. Sana hindi bumalik ang pagmamahal ko kay Serina kapag nakausap ko na siya. Dahil sa huli ako lang naman ang masasaktan. Ako lang din ang talo.

Naghintay ako sa labas. Nakuha ko ang number ni Serina kay Tiffany kaya kinuha ko ang phone ko at nag-text ako sa kaniya. Wala pang sampung minuto ay lumabas na siya kaya lumabas na rin ako sa kotse ko. Agad nagtama ang mata namin. Kita ko ang pagkagulat niya at napahawak pa siya sa bibig niya. Para siyang nakakita ng multo, siguro para sa kaniya isa na lang akong multo ng nakaraan.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon