CHAPTER 7

889 28 0
                                    

Etienne Evone POV

Katatapos ko lang ngayon maligo at nag papatuyo na ng buhok. 8 am na ngayon. Buti nalang at walang pasok at makakapag movie marathon.

Kinuha ko ang laptop ko matapos ko mag patuyo ng buhok at binuksan ang netflix. Tumungo ako may sala para doon manood nang tumunog na naman ang tracker phone ko. Kinuha ko 'yon at nakitang papalabas ng subdivision si Claude.

Nakalimutan ko palang may mission ako. Tsk. Saan kana naman ba pupunta??

Dali-dali akong nagbihis at kinuha ang susi ng kotse ko saka umalis.

Sinundan ko lang si Claude kung saan siya pupunta. Taka akong nag pa palit palit nang tingin sa maliit na cellphone ko at sa tinatahak kong daan nang mapansing papunta ako sa University.

Matapos ko mag park ay tumungo ako sa cafeteria dahil nagugutom ako. Nang makabili ako ng biscuit ay nag sitakbuhan papalabas ang mga estudyante.

Dala ng kyuryosidad ay sinundan ko lang ang mga estudyanteng tumatakbo papunta sa may lobby.

"Psst. Etienne!" Nilingon ko si Derenne na narito rin pala sa University. "Anong nangyayari??" Tanong niya pa.

Kibit balikat ko siyang tiningnan saka naki-usyoso.

Nang makarating ako sa harapan nang mga nag kukumpulang tao ay kitang kita ko ang seryosong mukha ni Claude habang nakatingin kay Hex at sa lalaking kaaway niya.

"Hindi ba't si Kaiden 'yan, yung nasa section 2??"

"Kawawa naman siya. Palaging pinu-puntirya ni Hex."

Rinig kong bulungan ng estudyante sa likuran ko.

"Nakita ko ang nangyari kahapon malapit sa may parking lot. And I will make sure na makararating na ito ngayon sa Disciplinary Office..." Kita ko namang napa padyak sa lupa si Hex dala ng inis.

Ngayon ay seryosong tumingin naman si Claude kay Hex.

"From this day onwards, kapag may narinig pa akong gulo, Hex. You better prepare yourself."

He said with authority matapos ay agad siyang nag lakad papalayo. Napalingon naman ako kay Hex na ngayon napasigaw dahil sa inis.

Bakit parati itong high-blood??

Napa iling lang ako saka kinagat ang biscuit na binili ko sa Cafeteria at nag lakad papunta sa may field at naupo sa may bench. Medyo may kalayuan ang kinaroroonan ko kung nasaan si Claude.

***

Lumipas ang ilang minuto at tumambay lang ako dito sa may bench. Napalingon lang ako sa katabing ko ng mapansin ang isang lalaking nakaupo rito.

Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito dahil nakayuko siya habang nilalaro niya ang bato na hawak hawak niya.

"AISH!!" halos mapatalon ako sa gulat ng pasigaw siyang nag salita saka ibinato ang bato na hawak niya.

Siya yung lalaking laging kaaway ni Hex. Mukhang napansin niya ako kaya, umayos siya ng upo at ngumiti.

"Nagulat ata kita. Sorry." Usal niya.

"Teka, hindi ba ikaw yung girlfriend ni Claude??" Tanong niya pa na ikinakunot ng noo ko.

"Ako? I'm not his girlfriend." Sambit ko saka muling tumingin sa field.


Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon