VI

69K 2.8K 1.9K
                                    

VI

KAMUNTIK NANG MABUWAL si Cristina sa kanyang pagkakayukyok sa lamesa. Naigupo pala siya antok sa paghihintay sa kanyang asawa kaya siya nakatulog. Nakahinga siya nang maluwag dahil bangungot lang pala ang lahat.

Akala niya talaga ay dumating na ang kanyang asawa at nagtungo sa banyo. Panaginip lang pala.

Pero bakit nga kaya ganu'n ang panaginip niya? Nakatalikod si Flexus at nang lalapitan na niya, namatay ang –

Teka! Bakit patay ang ilaw? Hindi siya nagpapatay ng ilaw, ah!

Dali niyang pinuntahan ang switch at sinindihan iyon. Sumindi naman.

Tumingin siya sa wall clock. Dalawang oras siyang nakatulog!

Pero bakit patay ang ilaw? Sino ang nagpatay n'on?

Napakibit-balikat na lang siya. . Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang tabi at tiningnan iyon – walang text si Flexus. Nagpasya na siyang umakyat ng kwarto.

Bago siya pumasok sa kwarto niya ay dumaan muna siya sa kwarto ng dalawa niyang anak. Mahimbing ang tulog ng mga ito.

Maaga niyang pinatulog si Apple dahil pagod na pagod ito kakalaro. Si Vanessa naman ay pinatayan niya na ng TV kanina para makatulog na rin. Nagtimpla siya ng gatas para kapag naalimpungatan si Apple ay kukunin nalang nito iyon.

Pumunta na siya sa kuwarto nilang mag-asawa, doon na lang niya hihintayin si Flexus. Pagkuwan ay nahiga na siya sa kama niya. Itinabi niya sa uluhan niya ang kanyang cellphone para marinig niya kaagad kung magte-text ang kanyang asawa. Pagkatapos ay pumikit na siya.

Ngunit hindi pa siya dinadalaw ng antok nang may naramdaman siyang nagbukas ng pinto.

Malamang ay si Flexus na ito.

Tinalikuran niya ito. Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya dahil sa pag-uga ng hinihigaan niya. Hindi niya ito nilingon ni kinibo. Nagpanggap siyang tulog na.

Gumalaw muli ito sa kanyang likuran. Parang hindi yata ito makatulog.

Kunwari na lang ay malalim na ang kanyang pagtulog. Hihintayin niyang yakapin siya nito at lambingin. Subalit wala itong ginawa sa kanyang likuran kundi ang gumalaw na para bang hindi madalaw ng antok. Siguro'y nagpaparamdam ito sa kanya.

Naisipan na rin niyang kumilos nang bahagya. Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone sa kanyang uluhan. Pasimple niya iyong kinuha mula sa ilalim lang ng kanyang unan. Lumitaw sa screen ang message ni Flexus.

[ I'm sorry. I love you. ]

Napangiti siya nang mabasa niya iyon. Akalain mong nasa likuran niya lang ito ngunit mukhang nahihiya itong maglambing sa kanya.

Ni-replayan niya ito.

[ I'm sorry rin. I love you, too. (,") ]

Nagreply rin ito. [ Can't sleep? ]

Napangiti siya.

[ Di ako makatulog kasi ang likot mo sa likuran ko. :p ]

Hindi ito nag-reply.

Gumalaw muli ito sa likuran niya.

Natawa naman siya. Gumalaw rin siya upang ipaalam rito ang reaksyon niya sa paggalaw nito.

Tumunog ulit ang cellphone niya. 'Tapos – nang mabasa niya iyon – nanlaki ang mga mata niya. Ang text kasi nito ay –

[ What do you mean? Nasaan ka ba? Nasa bar ako. Anong sinasabi mong sa likuran mo? ]

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon