Kabanata Labing-apat- What Made Him Dangerous

1.2K 22 3
                                    

Kabanata Labing-apat– What Made Him Dangerous

SOMETHING cold was put in Emanuela’s lips. Her throat was dry like a dessert and she badly needed water. She also felt cold.

Slowly, she opened her eyes and went wide upon seeing the man hovering her. May hawak itong bote ng mineral water sa kamay. In an instant, she went upright and groaned. Parang dinaganan ng isang elepante ang buong katawan niya.

Lumayo ang lalaki sa kanya. Humalukipkip ito. “Wala akong planong gahasain ang isang walang kamalay-malay na babae kung iyan ang iniisip mo.”

Iginala niya ang tingin sa paligid. Napapalibutan sila ng mga puno. May bonefire ilang dipa mula sa kanya. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang stick at mabilis itong kinuha. Itinutok niya iyon sa lalaki na para bang mapupuruhan niya ito.

Madaling gumaling ang mga nilalang ng Hancia, iyon ang sabi ni Alvin. “Nasaan sina Alvin?”

Tumaas ang kilay ni Daniel. “Patay na.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. Nanginig ang stick na hawak niya. P-patay na sila? Hindi maari. “I…I wished they were dead right now but I don’t know. Hindi ko pa nakita ang katawan nila. So, they maybe are not dead,” imporma nito at nag-iwas ng tingin.

Hindi pa sila patay. Salamat, Dios ko.

Ang huli niyang naalala, nahulog siya habang nilalabanan ni Az sina Neso. Pero ang mas importante, buhay pa ang dalawa. Or they may be injured but they’re alive.

Muli na naman silang bumalik sa simula.

She stiffened when he started to move towards her. “Huwag kang lumapit,” babala niya rito. Hindi man niya ito mapuruhan, gaganti pa rin siya. Lalaban siya.

Itinaas nito ang dalawang kamay. “Don’t do anything that would provoke me,” turan nito sa malamig na boses.

Napalunok siya. Alam niya ang resulta ng sinasabi nito. Hindi nito kayang kontrolin ang sariling emosyon. At sawang-sawa na siya roon. She was tired of the idea of men hitting women just because they could not fight back. “Papatayin mo na ba ako ngayon kung na-provoke ulit kita?”

Hinuli niya ang tingin nito. Nagtitigan sila. Parang kutsilyo ang mga mata nito sa sobrang talim. Naniniwala na siyang hindi isang tao ang kaharap niya kundi isang halimaw na dapat katakutan.

Napabuntong-hininga si Daniel. “No. Tapos na ako doon. Hindi na kita sasaktan. Kokontrolin ko ang emosyon ko hanggat maari.”

Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. For a man who hurt her once, it was difficult to believe it. Ang pagtitiwala sa iba ang pinakamahirap gawin ngayon. She won’t bargain her life for trusting the beast.

Kung mayroon man siyang natutunan sa paglalakbay na ito. Iyon ay huwag kaagad maniwala sa mga lalaki dahil hindi sila mga santo. They love using sweet words. “Mahirap paniwalaan ang isang magnanakaw sa sinasabi niyang magbabago na siya.”

“Hindi ako magnanakaw. Bakit ko naman gagawin iyon? Napakarami kong kayamanan sa kastilyo.”

She tsked. “Ow, I’m sorry. Ikaw pala iyong lalaking nananakit ng mga taong mas mahina pa sa kanya.”

A vein suddenly popped at his neck. “It wasn’t my intention to hurt you. Nawalan lang ako ng kontrol. Bakit hindi ka na lang bumalik sa dating ikaw? I assure you, you are more fun that way.”

Humigpit ang hawak niya sa patpat. “Akala mo computer lang ang nag-e-evolve? Pwes, nagkakamali ka. Pati ang tao ay nagbabago rin. Lalong-lalo na kung napakarami niyang naranasan na hindi dapat maranasan ng isang normal na tao!” sigaw niya.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon