Katorse

176K 3.5K 26
                                    

Katorse

Tagapagsalaysay

Agad na sinalubong ng isang grupo ng kalalakihan na mukhang bodyguards ang lalaking kakalabas lang sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport.

"Welcome back, Mr. Inoue." Magalang na bati sa kanya at kinuha ang dala niyang mga maleta.

Tinignan siya ng lalaki at tumango.

Pagkalabas nila ng airport ay iginala muna ng lalaking tinawag nilang Mr. Inoue ang kanyang paningin sa paligid bago pumasok ng sasakyan. Pinagbuksan siya ng pinto ng isa sa kaniyang bodyguard.

"Mr. Inoue, ibinilin ho ni Sir Enrique na dumiretso daw po tayo sa office niya pag kadating niyo." Magalang na sabi ng driver niya.

"Why?" Malamig niyang tanong.

Nakaramdam naman ng takot ang lalaki. Umiwas ito ng tingin. "H-Hindi ko po alam, Sir. Basta ho ibinilin lang po 'yon sa amin."

"What does the old man want from me now?" Sarkastikong aniya.

"I don't want to see him right now. Dumiretso ka na lang sa penthouse. I want to rest first." Utos niya dito.

Tumango agad ang lalaki. "Masusunod po."

Aura

"Aura!!" Matining na tawag sa akin ni Yenny pagkapasok niya sa locker area.

Tinakpan ko ang dalawang tenga ko! Grabe makasigaw! Mababasag ang eardrums ko nito!

"Hoy! Nasa harap mo lang ako! Hindi mo kailangan sumigaw! Parang naka megaphone 'yang bunganga mo eh!" Inis na sabi ko.

Humaba ang nguso niya na agad din napalitan ng isang malaking ngiti. "Grabe ka naman! May good news lang kasi ako."

Good news? Ano naman kaya yun? Baka tataas ulit sweldo namin? Kung ganun nako good news talaga iyon lalo na at nagsisitaas ang presyo ng mga bilihin.

Ako naman ngayon ang napangiti. "Good news? Tataas sweldo natin?Nako good news talaga iy—." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong binatukan nitong si Yenny.

"Aray, ah!" Hinimas himas ko ang ulo ko. Ang sakit kaya.

Inirapan ako ni Yenny. "Ikaw kasi! Porket good news, taas sweldo agad ang nasa isip? Hindi ba pwedeng ibang klaseng good news iyon?"

"Sorry naman. Akala ko naman kasi taas sweldo. Ano ba kasing klaseng good news iyan at mukhang excited na excited ka?" Tumaas ang isang kilay ko.

Umayos siya ng tayo at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Aura bestfriend.. Pupunta tayo sa Maynila! I'm so excited!!" At nagsasasayaw pa sa tuwa.

"Yun lang? Kung makasayaw ka dyan para— sandali! Tama ba ako ng rinig?! Pupunta tayo ng Maynila?!" Natigilan ako ng marealize ko kung ano ang sinabi niya.

"Kakasabi ko lang diba? Oo! Pupunta tayo ng Maynila bestfriend!" Bakas na bakas sa itsura ni Yenny ang sobrang pagkatuwa.

Naguguluhan ako. Kami? Pupunta ng Maynila? Para saan?

"Joke ba yan? Yung totoo? Tsaka pati ako kasama?" Baka naman kasi ginugoodtime lang ako ni Yenny.

"Ano kaba! Sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi 'no! Seryoso itong sinasabi ko. At oo kasama ka! Kasama tayong dalawa!" Ngumiwi siya.

Nakita siguro ni Yenny na naguguluhan ako.

"Alam kong ang dami mong tanong ngayon. Isa kasi tayo sa mga napili na limang nurse na ipapadala sa Maynila para mag work doon. Kumbaga itra-transfer nila tayo for awhile tapos pag nagustuhan talaga tayo ng hospital dun, pwede tayong i-absorb eventually." Paliwanag ni kaibigan sa kanya.

Tinignan ko siya ng buong pagtataka sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pagdadalawang isip. "Bakit daw? Parang ayaw ko naman sumama Yenny. Paano na sila Nanay? Si Abby? Hindi ko pa ata kayang malayo sa kanila. Mawawalan ako ng oras para sa kanila tapos hindi ko pa sila makikita dahil sa Maynila iyon."

"Hindi ko rin alam eh? Siguro dahil maayos tayo magtrabaho tsaka masisipag tayo. Ayaw mo yun? Sa Maynila na tayo madedestino tapos mas mataas sahod! Doble pa ng kinikita natin dito. Kesa naman forever tayong mabulok dito sa probinsya. Hindi naman sa sinasabi kong ayaw ko dito ah. Ang ibig kong sabihin, sayang naman ang tinapos natin at pagkakapasa natin sa board kung hanggang dito lang tayo. Tapos pwede din tayong mag exam para eligible tayo to work abroad! Malay mo din 'diba? Mas mapaganda mo buhay ng pamilya mo pag nagtrabaho dun. Mapupunan mo na ang mga pangangailangan nila. Lalo na kay Abby. At saka isa sa mga pangarap mo 'yan 'diba? Payong kaibigan lang, Aura. Pero nasa iyo ang desisyon kung sasama ka. " Sabi niya sakin.

May point naman siya kaso hindi ko talaga alam kung anong magiging desisyon ko.

Ngumiti ako ng malungkot. "Masaya ako na nabigyan tayo ng ganitong oportunidad. Pero pagiisipan ko ng mabuti muna."

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Hay nako, Aura. Tama na nga drama! Tsaka malay mo makahanap ka ng mapapangasawa dun!"

Hindi ko maiwasang wag matawa sa sinabi niya. Asawa agad? Wala pa sa isip ko ang mga bagay na 'yan.

"Baliw ka, Yenny! Wala pa sa isip ko 'yan 'no! Baka nga ikaw dyan ang magasawa agad eh."

Sandali siyang nagisip. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha niya. "Pwede rin!"

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon