Chapter: 41

2.6K 88 12
                                    

AGKTT41


Absent ako ng isang linggo sa klase dahil napagpasyahan nina Tatay na i-extend 'yong pag-stay namin. Kulang na nga lang sabihin nila na doon na lang din kami tumira. Bukod kasi sa maganda ang klima, walang kahit anong problema ang bumabagabag sa'min. Lalong-lalo na sa'kin.

It's been three weeks, anyway. Alam kong hindi naman basta-basta mawawala iyong sakit, pero malaking bagay na para sa akin ang makausad... kahit na papano.

Pagkatapos din nong huling mensahe niya nung bagong taon, wala na rin naman akong natanggap na balita about sa kanya. Sinadya kong i-turn off din 'yong cellphone ko para maiwasan ang pag-check kung may message ba siya ulit.

Ang bobo ko kasi. Kung alam ko lang na ganon 'yong gagawin niya, edi sana inunahan ko na siyang mang-block para hindi ganon kasama ang loob ko amputa.

"You should try wearing skirts, bro."

Umasim ang ekspresyon ng mukha ko nang marinig ang komento ng kuya ko. Nakakita lang ng nakapalda na dumaan dito sa airport, gusto pati ako papagpaldahin? Inang 'yan. Never in my entire life na na-imagine ko ang sarili ko ng naka-micro skirt at sleeveless na damit.

"Mangilabot ka nga, Oksiheno." inirapan ko siya.

I don't need to change my lifestyle just to prove that I am now in the process of moving on. After all, ako pa rin naman 'to.

Si Roro Mendoza. Nag-iisa 'yan, man.

"There's no shame in trying, Chlo," singit naman ni brother Carbon kaya agad ko siyang kinunutan ng noo.

"Alam mo ikaw, Carbon Dioxide? Nagmumukha ka ng singit dahil ang hilig mong sumingit sa usapan ng may usapan." irap ko sa kanya.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. I'm wearing a black sweatshirt and a white wide-leg pants. Suot ko rin 'yong converse ko na kabibili lang nila at naka-itim na cap din. Ang pogi ko tapos ganon lang 'yong comment nila?!

"I'm willing to give you my allowance for this month if you wholeheartedly accept our challenge," mayabang na offer niya kaya napataas-kilay ako. "Pera 'yan! Oh ano, g?!"

I gave him a suspicious look. "Ulol! As if namang kaya mong gawin 'yon e garapal ka nga sa pagwawaldas ng pera!"

"Why don't you try me, then?"

"Shut up. Do you really think your idea is great?" I wiggled my brows at them.

Napunta tuloy sa akin ang atensyon ni brother Deuterium dahil sa tinuran ko, his glance was obviously fed with curiosity. "What do you mean, Chlo?"

"Aba, hindi ba obvious? Kapag nagdamit at astang babae ako, edi mas maraming pipila sa akin? Edi kayo rin 'yong mahihirapan bumakod,"

Maangas kong sinalubong ang kantyawan nila. Totoo naman, ah. Sabi ko nga sa inyo mismong ako liligawan ko sarili ko e. Merong manipis na balakang. Long-legged. Malaki 'iyong hinaharap at matambok ang pwet.

Idadagdag mo pa 'yong mukha ko. Astang dragon lang ang nanay ko pero man, iyong genes non tiba-tiba. Syempre pati na rin 'yong tatay ko. Kaya nga habulin daw siya ng chicks nung kabataan niya, e.

"Taas ng kumpiyansa sa sarili, ah!" sigawan nila kaya napaismid ako.

"Hindi niyo lang tanggap na ideal type talaga ako."

Ayun lang naging ganap namin habang naghihintay ng manunundo sa'min sa Airport. Asaran. Tawanan. Pati nga sina Nanay at Tatay gumatong na rin tungkol sa pagiging babae ko raw. They even said that if I have the gut to take the deal, sila na raw bahala sa mga miscellaneous fees ko. Pero ayoko pa rin.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Where stories live. Discover now