Chapter 26

16K 733 361
                                    


Kriza's POV

"Ang bandot mong sumayaw Sakura!" Sigaw ni Stace. Marami pa akong naririnig na kung ano anong tukso kay Sakura pero feel na feel ni Sakura na sumayaw at hindi pinapansin ang mga sinasabi sa kanya.

Tumingin ako sa gawi ni Zaparta. Kanina wala itong kasama pero ngayon ay kasama nya na si Tita Alicia. Lahat kami ay napansin na magkahawig silang dalawa. Tila sila pinagbiyak na buko. Tinanong ko si Mama kung kilala nya si Tita Alicia at sinabi nya na ngayon lang sila nagkakilala. Parehas lang kami ng iniisip ni Mama pero ayaw namin pangunahan ang lahat, hindi rin naman kami sure sa iniisip namin pero may malaking posibilidad na tama kami.

"Gusto ko 'to!" Sigaw ni Sakura na ikatingin ko sa kanya. "Bibinyagan agad natin 'to. Lesley!" Sumandal ako sa upuan ko pagkarinig ko sa pangalan nya. Nasa tabi ko sya sa kanan kaya napatingin sya sakin nung sumandal ako pero hindi ko sya tinignan.

Hindi ko gusto ang mangyayari.

"Gusto ko din yan!" Sigaw naman ng iba.

"So truth or dare?" Tanong ni Sakura.

"Dare." Huminga ako ng malalim. Alam ko na tinatakbo ng utak nito at alam na alam ng lahat kung ano ang ipapagawa nila na konekta sakin.

"Ano bang pwede?" Tila nag-iisip na sabi ni Sakura. Lumapit sa kanya si Sakuno at bumulong. Napatingin sa gawi ko si Sakura at ngumisi.

Hindi ko talaga gusto.

"Lesley! I dare you..." Pabitin na sabi ni Sakura. "To kiss..." Masamang tinignan ko si Sakura. "Faith!" Napabuga ako ng hangin sa sinabi nya.

"No way!" Agad na sagot ni Faith na katabi ko din.

"Yeah, no way." Dismayang sabi ni Lesley at kinuha ang shot glass na may lamang vodka. Diretsong ininom nya 'yon. Sumama ang maganda nyang mukha pagkatapos nyang inumin 'yon. Napangiti ako ng palihim. Parusa 'yon sa mga taong hindi sasagot at gagawin ang dare.

"KJ!" Sigaw ng lahat at nagtawanan sila.

Bumunot sa fish bowl si Lesley at nabunot nya si Mama. Truth ang pinili ni Mama. Nag-iisip si Lesley ng itatanong kay Mama pero mukhang wala syang maisip.

"Ako na lang magtatanong." Sabi ni Tita Ella. "Bakit si Kill?"

"Seriously Ella? All these years ngayon mo lang itatanong yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mama.

"Oh bakit hindi?" Nakangiting sabi ni Tita Ella. "Wala akong maisip eh."

"Ano ba yan Ate Ella, kung makasabi ka na ikaw magtatanong, akala ko naman sobrang nakakaintriga." Sabi ni Tita Steph. Tumawa lang si Tita Ella.

"Ito na lang ang sasabihin ko. Si Kill lang ang nagpatibok ng puso ko sa isang tingin ko lang. Hindi ko pa sya kilala pero parang kilalang kilala na sya ng puso ko." Nakangiting sabi ni Mama. Napangiti ako. Ang sweet ni Mama. Sa tagal nilang pagsasama ni Mommy ay hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din nila ang isa't isa. Nararamdaman kong hanggang sa pagtanda nila ay hindi mawawala ang pagmamahalan nila.

"Okay! Corny mo. Bunot ka na nga." Sabi ni Tita Ella na ikatawa ni Mama. Ayaw na ayaw ni Tita Ella na maging sweet si Mama dahil kinikilabutan daw sya.

"Oh...Kriza." banggit ni Mama sa pangalan ko. Tumingin sya sakin. "Truth or dare?"

"Dare." Sagot ko. May tiwala ako kay Mama na hindi nya ako ipapagawa ng kalokohan.

"Kiss..."

"Ma!" Agad na segunda ko. Ayoko na ayoko ang ganyan klase dare, nakakasira ng relasyon, though wala naman dito ang karelasyon ko pero nandito ang taong gusto ko.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now