Chapter 16

136K 3.4K 175
                                    

"Good morning, mommy!"

"Good morning!" Hinalikan ni Sasahh si Ryke sa ulo bago umupo sa tabi nito para mag-agahan.

"How's your sleep, mommy?"

"I slept well."

"Very good." Napangiti si Sasahh. Napakalambing na bata talaga ni Ryke at nakakatuwa ang kadaldalan nito.  Napakaganda nang pagpapalaki ni Samantha sa bata at masasayang lang iyon kapag nanatili ito rito sa bahay na ito.

"Nasaan si Wilson?" Tanong niya nang mapansing wala si Wilson sa pwesto nito.

"Umalis na, Ate Sam."

"Ang aga naman yatang umalis?" Alas siyete y medya palang.

"Maaga ngang umalis. Humigop nga lang ng kape," sagot ni Elisse.

Sasahh reaches for erving spoon and started putting fried rice on her plate.

"How about senator?"

"Maaga ring umalis. Luluwas ng Manila." Mabuti naman.

"Nag-aaway ba kayo ni kuya?" Nag-angat si Sasahh ng tingin kay Elisse.

"Bakit mo naitanong?" Ibinalik niya ang kutsara sa bandehado at kumuha naman ng daing. She prefers Filipino breakfast than American. Ito ang na-miss niya sa pananatili niya sa US. Meron namang daing sa Filipino store pero bukod sa napakamahal ay hindi ganito kasarap.

"Kasi parang wala siya sa mood." Galit nga sa kanya. Pero masmaiigi na 'yon kaysa naman mabuko siya. Ang tanga-tanga niya naman kasi. Tama bang mag- reminisce ng past intimacy nila ni Wilson.

"Hindi lang kami nagkaintindihan. Nagtampo lang." Tumango si Elisse saka isinubo ang hiwa ng tocino na nakatusok sa tinidor nito.

"Kuya is such a good man. May respeto siya sa amin ni mama. Mahal na mahal niya kami kaya siguradong magiging mabuti siyang asawa." Bahagya lang ngumiti si Sasahh sa kwento ni Elisse saka nagsimulang kumain. Hindi niya alam kung ano ang gusto ipahiwatig ni Elisse sa sinabi nito.

"Mahal na mahal niya si Ryke," patuloy pa nito.

"I know that."

"Malaki ang chance para mag-work ang relasyon niyo." Nòon natigil si Sasahh sa pagkain at tinitigan si Elisse. Kahit katiting ay walang tsansa ang relasyon  nila ni Wilson. Hindi siya si Samantha at hindi niya maaaring mahalin si Wilson dahil isa itong dela fuente. Dugo ng taong pumatay sa kanyang mga magulang ang nanalaytay rito.

Nagkibit si Sasahh at iniliko ang usapan. "Ikaw, bakit ka nga pala nandito? Nasaan ang asawa mo?"

Napansin agad ni Sasahh ang pag-iba ng ekspresyon ni Elisse. Bigla ay para itong nabalisa. May takot sa mga mata. Mukhang may problema. Tila hindi ito komportableng pag-usapan ang buhay nito kaya naman binago na lang niyang muli ang usapan.

"Ryke, gusto mo pasyal tayo. Mag-picnic tayo."

"Yesss! I want! I want!" Bumungisngis si Sasahh sa naging reaksiyon ni Ryke. Tuwang-tuwa ito. Nagba-bounce pa sa kinauupuan habang nasa itaas ang mga kamay.

"Pero ubusin mo muna ang breakfast mo."

"Yes, mommy! Nana, A!" Ibinuka ni Ryke ang bibig para magpasubo sa yaya.

Tuwang-tuwa ang bata. Ryke loves picnic. Noong nasa America pa sila, minsan siyang isinama ni Samantha sa picnic ng mag-ina. Gusto niyang bumawi sa bata sa stress na idinulot niya rito. Gusto niyang masaya lang ito.

TUWANG-TUWA si Ryke habang tinuturuan magbisikleta ni Adan. Determinado ang batang matuto. Si Adan naman, makikita ang pagmamahal sa bata. Napakadali talagang makuha ang loob ni Ryke kaya sigurado siyang hindi ito mahihirapan mag-adjust kapag na kay Adan na ito.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon