Chapter 27.2

2.5K 29 0
                                    

HINDI pa rin magawang paniwalaan ni Rachel Leigh na nagawa ngang barilin ni Elij si Thaddeus. Nakita ng babae nang lapitan ni Drake ang duguang katawan ni Thaddeus sa sahig at itinutok ang hawak na baril dito.
Mabilis na lumapit si Rachel sa ibinagsak na baril ni Elij kanina at pinulot iyon. Itinutok nito iyon kay Drake. “Subukan mo, Drake. Ikaw ang susunod.”
Hindi makapaniwalang napatingin si Drake sa babae. “Walang hiya ka, Rachel! Dapat mamatay ng lalaking ito! Kinakampihan mo ang traydor na Elij na iyon?!”
“Oo!” sigaw ni Rachel. “Dahil kaibigan ko pa rin siya. Subukan mong saktan pa ang lalaking ito, hindi ako magda-dalawang isip na patayin ka.”
“Kapag nalaman ni Anthony ito—”
“Kakausapin ko si Anthony,” putol ni Rachel sa lalaki. “Kaya umalis na kayo,” sumulyap pa ang babae sa isa pang lalaking nakayuko lamang.
Tumawa si Drake at ilang ulit na nagmura. “Malakas ang loob mo dahil alam mong pagbibigyan ka ni Anthony,” dinuro pa nito ang babae bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
Nanghihinang lumapit si Rachel Leigh kay Thaddeus na kanina pang nawalan ng malay. Kailangan na nitong madala sa ospital dahil marami ng dugong nawala dito. She needed to save him… for Elij. Dahil siguradong iyon ang ipinakiusap nito kanina.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora