Kabanata 15

1.4M 33.2K 18K
                                    

Kabanata 15

Push

Siguro ay kukuha kami ng ticket pagkatapos ng ilang araw na bakasyon. It's my tita's city. Siguro naman ay bakasyon ang ipupunta namin sa Los Angeles.

Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Naging abala din kasi ang mga magulang ko. Pagkagising ko tuwing umaga, papuntang school ay maaga na silang umalis na dalawa. At tuwing uuwi naman ako sa hapon ay hindi pa sila nakakauwi. This life is boring, I know. Wala akong kapatid at halos palaging mag isa sa bahay. Para malibang ako ay tinatawagan ko na lang si Everlyse o nanghahalungkat sa computer.

"Wella, natapos ko na 'yong design ng bagong tarp kagabi," sabi ko pagkapasok ko kaagad sa classroom, umagang umaga.

Tumango si Wella, "Naisip naming gawan din sila ng individual tarp. Lalo na don sa pangalawang gig na offer sa kanila. Malaki 'yong crowd tsaka kasama 'yong ibang sikat na mga banda."

Sumang-ayon ako sa lahat ng plano ni Wella. Magaling talaga siya sa pagpaplano at organisadong organisado ang mga mangyayari pag nandyan siya. She's a good leader. Dapat ay gamitin niya rin ito sa school dahil paniguradong magandang skill iyon.

"Meg, may naghahanap sa'yo," tawag ng isang kaklase ko.

Sa hamba ng pintuan ay nakita ko kaagad si William kasama ang iilang kaklase. Kung posible ay nakita ko rin yata si Rozen na nakangisi at nakaaligid doon. Ano ang kailangan ng mga ito sa akin? Lumapit ako sa kanila at si William ang sumalubong sa akin.

"Bakit, William? May problema ba?" panimula ko.

Matatangkad ang mga grade 12 na ito kaya agaw pansin sa lahat ng naroon. Para bang hindi natatanggap ng mata nila na bumibisita sila sa aming corridor.

"You remember last time? Hindi mo pinaunlakan ang imbitasyon ko. Now, I want to invite you for lunch." Matamis na ngiti ang kanyang ibinaling sa akin.

Rozen's group of boys are vain and arrogant. Nakikita ko iyon sa pagkakasuot nila sa uniporme nila. Loose neckties, unbuttoned shirts, and evil smirk. William is not an exception to that. Sa likod niya ay nakita ko ang Zeus na papalapit. No, I saw Noah's eyes bore into mine.

"May kasama na kasi ako sa lunch, e. Sorry." Nagkunwari pa akong disappointed. I don't want to be rude. "Thank you, though."

Ngumuso si William na agad tinapik ng natatawang si Rozen.

"What are you doing here, Kuya?" Malamig na angil ni Noah nang nakarating sa pintuan.

Nilingon siya ng natatawang si Rozen. "Duwag si William, nagpapasama pa sa pagyayaya sa kay Megan na mag lunch."

"Shut up, Rozen," napahiyang sinabi ni William.

Sumulyap si Noah sa akin bago niya tiningnan si William na iritado sa siniwalat ng kanyang kaibigan. "Hindi siya pwede. She's not available anymore," malamig na sinabi ni Noah sabay pagitna sa amin.

Nakita ko kung ilang tainga sa mga kaklase ko ang nakarinig non. May ibang palihim na tumili at may ibang tumikhim. Nakakairitang ngisi ang bumalot sa mukha ni Rozen samantalang kumunot naman ang noo ni William sa akin.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon