29 ~ Threat

352K 8.5K 1.7K
                                    


CHAPTER TWENTY NINE

IT'S another normal day in Madrid. Maayos ang naging takbo ng buhay mag-asawa nila ni Clane kahit pa paminsan-minsan ay nasa Pilipinas ito. Hindi na rin nila nagawang umalis pa sa Madrid at nagpasyang doon na siya manganak.

Rumors about her pregnancy spread in social media and even in tabloids in New York City and Manila. Ang agency niya ang siyang namahala sa mga haka-haka at hanggat maaari ay pinanatiling pribado ang kanyang pagbubuntis. Hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi sa publiko.

"There's still a room for you in modeling industry, Ayesha." Liam assured her in the other line. "Besides, the management has a plan for you after you give birth. But, I will not discuss about all of it here."

"Thank you Liam for keeping in touch. You're the sweetest."

"You're always welcome. Bless you and your baby. You will see him so soon."

"Yes, I'm excited to finally see my baby boy."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ayesha. Hinaplos niya ang malaking tiyan, kabuwanan niya na. Araw nalang ang binibilang nila at sinigurado naman ni Clane na makakarating ito bago ang takdang araw kaya panatag siya, lalo at kasama niya rin naman ang mommy niya.

Natapos ang tawagan nila ni Liam ilang sandali bago dumating ang ina galing sa grocery store, nakasunod dito si Samuel at ang pinay na kasambahay nila.

"How are you feeling, sweetheart? Hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo?" Bungad sa kanya ng mommy niya.

"Hindi pa naman po."

Ang kasambahay nila ay dumeretso sa kusina dala ang mga pinamili ng mga ito habang si Samuel naman ay nanatili sa gilid ng nakasarang pinto, deretso ang tingin, maganda ang tindig.

Nang silipin niya ang labas ng bahay sa medyo nakabukas na kurtina ng bintana, natanaw niya ang hindi lalagpas sa limang gwardiya na nagmamasid-masid sa paligid.

Lumaki siyang napapaligiran ng bodyguard, mula sa mansyon hanggang sa paglabas niya pati sa eskwelahan, tumindi pa lalo ang seguridad niya matapos siyang ma-kidnap noong sampung taong gulang pa lamang.

Kaya dapat ay sanay siya sa gano'ng sistema, na sa bawat kilos niya may mga matang nakasubaybay sa kanya, pero iba ngayon.

The security of their house in Madrid is tight. Hindi basta-basta tumatanggap ng bisita ang mga tauhan ni Altaraza kung hindi dadaan ang mga ito sa matinding inspeksyon. Wala rin nakakalagpas na mga regalo galing sa fans niya, ni isa ay wala na siyang natanggap pa.

Masyadong over protective si Clane, dumodoble pa kapag nasa Pilipinas ito.

"Kapag may sumakit na, magsabi ka kaagad, okay?"

"Yes mom."

Nginitian niya ang ina para ipaalam na ayos lang siya, halata naman kasing nag-aalala ito sa kanya.

"Tinawagan ko si Clane, sinabi kong hanggat maaari ay bumalik na siya rito." Anito, at naupo sa magarang sofa ng sala. "Siya dapat ang kasama mo sa delivery room at hindi ako. Ayoko rin pumasok do'n, Ayesha. Tama na 'yung isang beses akong nakapasok do'n, nung araw na ipinanganak kita."

"Okay lang 'yan mommy. Sinigurado niya naman na darating siya, baka bukas lang o sa susunod na araw ay nandito na 'yong asawa ko."

"That's good." Tumango-tango ito, pina-panatag ang sarili.

AYESHA is all smile while waiting to her husband. Nasa isang restaurant sila malapit sa airport.

Hindi kalayuan ay ang ilang bodyguard, si Samuel naman ay tahimik ngunit alerto sa kabilang lamesa lang.

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon