Chapter 19

30.4K 1K 509
                                    

Bridgette's POV

"Come on, Love" pag-tawag ni Lauren kay Jane.

"Wait, Mama" atsaka ito tumakbo papalapit sa kaniyang Mama Lauren.

"Are you going with us, Mommy?" tanong ni Jane atsaka hinawakan ang kamay ko at sabay sabay kaming lumabas ng bahay.

"No, baby. Mommy will find some good toys for you" sagot naman ni Lauren.

Tumigil ako at kinarga ang bata, "What are the toys that you want, baby?"

"Hmm" nag-isip naman ito, "I want a unicorn, Mommy. The one with wings and horn here" and she pointed on her forehead, "So I can ride it and it can poop many many rainbows!" tuwang-tuwa na sagot nito.

Napatingin ako kay Lauren at natatawang nag-kibit balikat ito and mouthed, "Anak mo 'yan"

"Okay, then. Mommy will find you a unicorn while Mama Lauren will take care of you while I'm away, okay?"

Ngumiti naman ito ng pagka-tamis tamis and hugged me, "Thank you Mommy!!"

"You are always welcome, my love" sagot ko and hugged my daughter back.

Sumakay ako sa sasakyan ko with my driver and sumakay naman sa kabilang van si Lauren at Jane together with their body guards sa isa pang kotse.

Mag-kaibang daan ang tinahak naming dalawa dahil sila ay papunta sa school ni Jane at ako naman ay sa Airport. Turning 3 palang si Jane and yet in-enroll na namin siya sa isang Play School kung saan nakikipag-halubilo siya sa ibang bata dahil kung sa bahay lang siya at puro kasambahay ang kasama nito at walang kalarong bata na kasing-edad niya ay hindi masyadong magde-develop ang social interest at learnings nito.

Pagkarating ko sa Airport ay agad na akong nag-check in dahil malapit narin naman mag-board ang eroplano. Ang dami kopa kasing inasikaso bago ako umalis dahil gusto ko munang siguraduhin na okay ang lahat.

Nang makalapag na ang eroplano at okay na ang lahat ng kailangan ayusin sa loob ay dali-dali akong naghanap ng taxi sa labas ng Airport.

"To Waldorf Astoria please. Thank you"  and I immediately hopped in dahil sobrang lamig. Nagso-snow na kasi dahil December na.

Maya maya ay narating kona ang hotel na aking tutuluyan ko pansamantala. Agad akong nakapag-check in dahil last week kopa ito binook. Dapat kasi talaga kapag ganitong season ay maaga kang nagpapa-reserve dahil peak season na.

Pagkarating ko ng aking Hotel room ay nagpalit ako agad ng damit na angkop sa klima ng panahon. Nag-suot ako ng parka at ng leather booths. Sobrang lamig!!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad nilisan ang Waldorf Astoria at sumakay patungong NYU Langone Health.

Umupo ako sa lobby nito at nag-hintay ng oras.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti noong naalala ko ang anak kong si Jane, napakabibo na bata. Nilabas ko ang cellphone ko para i-text si Lauren kung kamusta na sila. Maya-maya naman ay nag-reply ito at nag-send ng picture ni Jane kasama ang mga ibang bata. Hay, mahal na mahal ko 'yon.

Kasalukuyan kong iniisip ang munti kong prinsesa nang masilayan ko ang aking reyna. Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan siya; bakas sa mukha ang pagtataka at pagkagulat

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito at napalitan ng inis ang emosyon sa mukha. Nasaktan ako oo pero naiintindihan ko naman siya.

"I want us to talk" I simply said.

"We have nothing to talk about, Bridgette" she coldly replied and attempted to walk out

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon