Entry #16

266K 6.2K 140
                                    

Dear Future Boyfriend,

Mag-isa ako sa bahay ngayon at kung anu-ano ang naiimagine ko. Umalis sina Mama two days ago pa para umattend ng reunion nila kasama si Papa. Magka-batch kasi sila at sa iisang school lang. Nasa tagaytay sila ngayon. Si kuya naman umalis dahil may lakad ang barkada. Bakit kaya lahat ng tao bukod sa akin ay busy? Busy din naman ako dahil sa pag-rereview para sa nalalapit na finals exam. Third year na kami ni Ashleen next school year. Ang bilis lang ng panahon. Mag-shift na kaya ako ng course?

Gutom na talaga ako. At dahil hindi naman ako marunong magluto hindi ako makakakain. Sardinas na naman ba ang uulamin ko o cup noodles? Bakit ba kasi nakalimutan ko mamili ng gulay kanina? Sigurado nalanta na yung mga yon ngayon, hapon na kasi. Bumili kaya ako sa Monterey ng karne? Ipikit ko nalang ang mata ko para hindi nakakatakot hawakan? Kaso bago pa ako makaalis ng bahay sigurado gabi na. Ayoko lumabas. Nagrereview pa nga pala ako! Sayang din yung time. Sana talaga pwede kita itext ngayon! Pupuntahan mo naman ako kapag ginawa ko yon di’ba? Kung meron nga lang sana akong boyfriend ngayon. >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon