Synopsis

2K 24 2
                                    

Ang sabi ng karamihan, sa milyon-milyon daw na tao sa Pilipinas ay siguradong isa doon ang nakalaan para sayo. At sa araw-araw mong pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring hindi mo alam na nakasalubong mo na pala ang taong itinadhana mong makasama habang-buhay.

Kung totoo na ang lahat ng tao ay may kapareho na nakalaan sa isa't-isa. Bakit madami pa ring hindi nakakatagpo ng mapapangasawa? Bakit madami pa ring tumatanda mag-isa?

Ang sabi pa nila, darating at darating daw ang inilaang tao para sayo sa tamang panahon basta't maghintay ka lamang. Gasgas ng mga linya. Lalo na sa mga taong pagod ng umasa at maghintay.

Kung minsan naman ay may tao din na kailangang dumaan sa buhay natin para maging tulay sa totoong tao na itinadhana talaga para sa atin. It makes sense, pero kung minsan ay masakit din. Lalo na kung yung dumaan na tao sa buhay natin ay minahal na natin.

Madalas pa nga ay sa iba't-ibang paraan sila mag-e-exit sa buhay natin para bigyang daan ang ika nga e, real soulmate o destiny natin. Masakit pero kailangang e-embrace kung ano ang nasa guhit ng palad natin.

Pero anong masasabi mo sa isang tao na nakita lang ang picture mo sa social media ay na-in love na agad sayo. Matatawag kaya na siya na yung soulmate mo kapag pinagtagpo na kayo? Kung ikaw yung nasa kalagayan niya susugal ka ba na hanapin yung nasa picture?

At paano kung yung inaakala mo na taong inilaan para sayo ay iniwan ka ng walang paalam. Anong mararamdaman mo? Aasa ka pa ba na babalik pa siya o ipagpapatuloy mo na lang ang buhay mo hanggang sa masanay ka na lang na wala na siya sa tabi mo?

Ikakasal na sana si Mia sa lalaking mahal na mahal niya. Subalit isang pangyayari ang gumulantang sa kanya. Kung kaya't ang pinakamasaya sanang araw ng buhay niya ay naging bangungot.

Mula noon ay hindi na siya muling umibig pa. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang banyaga na si John. Ginawa ni John ang lahat ng paraan upang tibagin at durugin ang pusong bato ni Mia. At nagtagumpay naman ito na makuha ang puso ng dalaga.

Subalit sabi nga, hindi araw-araw ay pasko. Isang pangyayari ang nagpaguho sa kanilang dalawa na lalong nagpadilim sa makulay na sanang buhay ni Mia.

Pero sa kabila ng mga nangyari ay bumangon pa rin si Mia sa gitna ng kadiliman ng buhay niya. Nagsikap siya at namuhay mag-isa. At nang maayos na muli ang kalagayan niya ay saka naman nagbalik ang lalaking unang nagpatikim sa kanya ng pait sa pag-ibig. Ang lalaking hindi niya pinangarap muling makita hanggang sa kanyang huling hininga.

Let us discover Mia's life and how did she handle her heartbreak and loneliness. Can she forget the painful past? Can she forgive and love again? Let's find out.

**********

Thank you for joining me here, because the writer is nothing without a reader. Hope to see you until the end.

 Hope to see you until the end

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon