33 ~ Friendship

260K 8.1K 2.5K
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

KEITH is in critical condition.

Naabutan nila si Colton sa labas ng operating room kanina, nakaupo sa bench, naghihintay. Ngayon, silang magkakaibigan naman ang naroon, palakad-lakad ang iba, hindi mga mapakali.

Carter is in Howell's clinic near the hospital, mas piniling doon gamutin ang sarili.

Dalawang pulis ang lumapit sa kanila kalaunan.

"Magandang gabi sa inyo." Bati ng mga ito, yumukod pa ng kaunti lalo sa kanya.

The fact that Altaraza is known in the Country, especially in their town, the policemen knows them, too.

"Mr. Altaraza, narito kami para sana makahingi ng impormasyon." Magalang na imporma ng pulis.

"Information about what?" He asked in a formal tone, trying to look innocent as possible.

"May nakapag-report ho kasi sa amin na isa sa mga kaibigan niyo ang duguan na isinugod dito kanina kasama ang kapatid niyong si... Sir Colton."

Bumaling ang mga ito kay Colton na tahimik lang, walang balak magsalita o kausapin man lang ang mga pulis.

"Yes, he's my friend."

"Maaari ba namin malaman kung bakit siya duguan? Bakit may tama ng baril? Pwede itong makatulong sa kaso ng pangingidnap kanina sa lumang gusali."

"Nasaan na ang mga kidnapper? Nahuli niyo ba lahat?" Imbes ay tanong niya.

"Hindi pa ho kami pwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa bagay na 'yan, Sir-"

"Kayong dalawa." Tawag ng lalaking kadarating lang sa mga ito. "Bumalik na kayo sa presinto. Ako na ang bahala rito."

"Yes, Chief!" Nag salute ang dalawa bago tuluyang umalis.

"Ano ba naman 'yang mga tao mo, Villareal. Hindi na-briefing." Reklamo ni Zyron sa kadarating lang na pulis na may mataas na ranggo.

"Good evening gentlemen." Villareal greeted them formally. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng mga tao ko, Fuentes." Sarkastiko ang tunog nito.

"Ano ang lagay?" Tanong niya.

"Hawak na ng mga tao ko si Samuel. Gusto mong bisitahin?" May demonyong ngiti ito sa labi.

"Sige na, Clane. Kami na muna ang bahala rito. Tatawagan ka nalang namin kapag tapos na ang operasyon." Si Drake.

"Oo, tawagan mo lang ako kapag hindi mo kayang mag-isang humarap kay Samuel." Si Zyron na hindi na yata titigil sa pambubuska sa kanya.

"No thanks. I can handle Samuel and his men, alone."

"Ang yabang! Manang-mana sayo si Carter. Mabuti nalang itong si Colton, hindi mahangin."

Tinapik niya ang kapatid na animo nasa malalim na pag-iisip.

"You can go home, Colton."

"No. Not now, Kuya. Keith need us."

Kilala niya si Keith, palagi niya itong kasama sa mga misyon noon. Kilala niya bilang matapang at hindi basta-basta susuko na lang. He's confident that Keith will survive and at the same time he's worried about his condition.

Kargo niya si Keith, lalo at ito ang dahilan kung bakit ligtas siya at si Cole. Kung hindi sinalo ng kaibigan ang bala, hindi niya alam kung paano niya mapapatawad ang sarili kung sa anak niya tumama iyon.

Napatingin siya kay Villareal.

"Keep your eyes to that culprit. Bibisita ako kapag nagising na si Keith."

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon