Chapter 2 - Text

956 17 0
                                    

Alas dose ng hating gabi ay naka-received si Mia ng text message mula sa isang estranghero. Hindi familiar ang number sa kanya at obvious na mula sa ibang bansa. Nagising siya dahil panay ang tunog ng cellphone niya. At bukod sa text message ay may missed call din ito. Napuna niya na mga 3 times na itong tumatawag sa kanya kanina.

Sino kaya ito? Mumukat-mukat ang mata na wika ni Mia sa isip.

Hindi niya maimulat ng husto ang kanyang mga mata. Dahil antok na antok pa siya. Pero pilit niyang tiningnan sa cellphone kung sino ang tumatawag. Pagkakita niya sa number ay hindi naman niya ito binigyang halaga. At hindi na rin niya nagawang tingnan ang text message. Dahil nakatulog na ulit siya.

"Good morning mother dear!" masayang bati ni Mia sa kanyang ina kinaumagahan sabay yakap ng mahigpit dito.

"Good morning, anak!" ganting bati ni Aling Meding. "Kumain ka na dyan, ikaw na lang ang hindi pa nag-aalmusal. Ang mga kapatid mo kanina pang nakaalis papunta ng trabaho. Si Matthew naman ay isinabay na ng Tito Jose mo kanina sa tricycle niya papunta sa school. Di ka na ginising ng bata na para magpaalam. Mamayang gabi na lang daw siya makikipag-kwentuhan sayo," mahinahong kwento ng kanyang ina habang ipinagtitimpla siya ng kape.

Masaya ang pamilya ni Mia at simple lang ang buhay nila. Suportado siya ng buo niyang pamilya sa anomang gusto niyang gawin o desisyon sa buhay. Pangatlo siya sa magkakapatid. Two years old naman si Matthew nang mamatay ang kanilang ama. Hindi na nila pinag-hahanapbuhay si Aling Meding. Dahil kaya naman nilang magkakapatid na tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Pati na rin ang pag-aaral ni Matthew.

"Anak, may overtime ka ba ulit mamaya?" dugtong pa at malambing na tanong ni Aling Meding sa kanya.

"Hindi pa po sure Mama. Ite-text ko na lang po kayo kung overtime ako. Pero sana nga po wala, para maabutan ko pang gising si Yu," hihikab-hikab niyang sagot sa ina.

"Natanong ko lang anak. Kasi ilang buwan na rin kayo palaging overtime. Di ba sabi mo mahirap din ang trabaho n'yo sa pabrika tapos nakatayo pa pala doon."

"Okay lang po Ma, madalas naman po nasa opisina lang ako ng production. Saka, okay na rin ang overtime palagi para mas malaki ang sweldo tuwing pay day. Mas madali ako makaka-ipon para sa pang-paaral ni Yu. Saka nagba-vitamins naman po ako at kumakain sa tamang oras. Yun nga lang po, ang kalaban ko araw-araw e ang traffic dyan sa bayan," mahabang paliwanag niya sa ina para hindi na ito mag-alala.

"Ewan ko nga ba anak, ba't hindi matapos-tapos ang traffic dyan sa may bayan. Mas mabuti pa yung dating Mayor nasusolusyunan agad ang ganyang problema. Aba'y ngayon, parang wala namang ginagawa ang bagong Mayor natin, susmaryosep!" segunda nito na halatang naiinis din sa traffic. Dahil apektado din ito sa tuwing mamamalengke.

"Naku Ma, wag n'yo na pong asahang may gagawing pagbabago ang Mayor na yun. Nakaupo na yun kaya wala na yung pakialam sa mga botante. Ang mabuti pa aalis na ako at baka abutan pa ako ng matinding traffic sa bayan, mahuli pa ako sa trabaho ko. Bye Ma, I love you!" paalam n'ya sabay hug at kiss sa ina. Hindi na nito naubos ang tinimplang kape ng ina.

"Ingat ka anak ha. Teka, ihahatid na kita sa labas ng gate!"

"Kayo din po Mama, ingat po dito. Pero wag n'yo na po akong ihatid, just enjoy your coffee, senyora! I love you po!" malambing at pabiro na sagot niya sa ina sabay lakad palabas ng bahay na nakangiti.

Dahil sa traffic kaya hindi na siya nakatambay sa meeting place nila ng mga kaibigan. Halos 5 minutes na lang ay ma-le-late na siya. Kaya laking pasasalamat niya nang umabot pa siya bago mag alas otso sa kompanya. Dali-dali siyang nagpalit ng uniform at di niya sinasadyang naiwan ang cellphone sa kanyang locker. Hindi na rin niya nagawang i-check ang text message sa kanya kagabi ng isang estranghero. Pati na rin ang text ni Ella kaninang umaga na humihingi ng paumanhin. Pagkagising kasi niya ay naligo agad siya at kumain ng breakfast.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon