Volume 2 CH 42 :the Difference Between Night And Light

1.2K 33 3
                                    

'okay then, which one of us is Night, and which one is Light? Can you tell?'sabay na sambit ng pitong taon gulang na kambal na lalaki.

Ngunit sa kabilang dako ay biglang nawala ang ngiti ng batang babaeng kaidad nila dahil sa tanong na iyun.

Tinitigan nya ng mabuti ang dalawang bata na niyayaya nyang maglaro Ngunit kahit anong gawin nya ay hindi nya masabi sabi kung sino dito si Night o si Light dahil magkamukha magkamukha ito.

'Y-you're Night' nauutal na sagot ng batang babae sabay turo sa nasa kanan na batang lalaki.

Yung nakaawang na ngiti ng dalawang batang lalaki ay biglang naglaho at lalong humigpit ang kapit nila sa isa't isa. Sa isip isip nila ay tama ang sinabi ng babaeng yun na kahit kelan walang makakakilala sa kanila bilang sila dahil kahit dalawang nilalang sila para sa tingin ng iba ay iisa lang sila.
Dahil maski sarili nila mga magulang ay di masabi kung sino si Light o si Night sa kanila dalawa.

'I am Light' blankong sagot ng batang nasa kanan at dahil dun ay nagulat ang batang babae at dahil sa takot ay tumakbo ito ng palayo sa kambal.

At simula nun ay wala ng nakaalam ng pagkakaiba namin ng kakambal ko. Wala kahit isa.

At dahil dun isa isang nawala sa paningin namin ang mga nasa paligid namin dalawa ng kakambal ko at tanging na tira ay  kami dalawa lang . Lalo kaming nawalan ng gana sa mga tao sa paligid namin dahil pare parehas lang sila na walang saysay.

Sometimes we're contradicting ourselves. We wanted to be told apart. We didn't want to be told apart.
We wanted to people to knows us. We didn't want to be known.

We're always looking for someone who would accept us. But there's no way that anyone would ever accept us as surly as we were. We're twisted.

So we kept a very very secure lock, to make sure that no one could ever hurt us again in our own, two person world. 

Pero bigla nagbago ang lahat ng makilala namin si Freya. Hindi tulad ng ibang babae si Freya pilit nyang hinuhulaan kung sino si
Night o si light samin. Kahit kelan beses syang nagkamali ay patuloy parin syang sumusubok. At dahil dun ay napalapit kaming dalawa sa kanya .

Pero di ko alam na sya pala ang magiging pitsya ng agwat samin ng kakambal ko. Nagkagusto ang kakambal ko kay Freya pero nagulat ako ng umamin sakin si Freya at dahil dun ay nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan ng kakambal ko.

Handa akong magparaya sa kakambal ko at ibigay si Freya sa kanya pero di ko nakita na dahil dun ay pareho pala silang mawawala sakin. Di ko inaasahan na dahil sakin ay maglalaho sila ng tuluyan.

'Di m-maari malaman nila na ikaw ang nakaligtas. A-alam ng kapatid ni Freya na ikaw ang napapunta kay freya sa gubat na yun. Kung saka sakali ay ipapatay kanila biglang parusa' nagpapanic na sambit ni ina na di na mapakali.

Ako naman ay di parin makapaniwala sa mga nangyari. Di ko matanggap na wala na ang kakambal ko at si Freya.

'Di maari mawawala satin ang trono kung nagkataon' bulalas ni ama na di rin mapakali.

'Kung sana ay ikaw na lang namatay roon edi sana ay wala tayo problema' dagdag pa nito.

At dahil roon ay napagtanto ko na oonga dapat ako na lang ang namatay hindi ang kakambal ko. Kasalanan ko ang lahat at ako ang dapat sisihin.

'Ako si Night hindi Light, ako si N-night hindi Light' biglang ani ko na ikinagulat nila.

'Anong sinasabi mo Light?' tanong ni Ina.

'Ako si N-night hindi Si Light' paguulit ko.

'Walang nakakaalam na si Night ang naroon at namatay. Kaya kung magpapanggap ako na si Night magiging maayos ang l-lahat' sabi ko na lalong nagpaiyak kay Ina.

'Di ako papayag!' pagtutol ni Ina pero umiling iling ako.

'Gusto kong p-pagbayaran ang Kasalanan ko. Pakiusap' ani ko.

'Tama na yan aayusin pa natin ang libing ni Light' yaya ni Ama na ikinagulat ni Ina. 

At simula nun ay pinaniwala namin ang buong mundo sa kasinungalingan ko.Nabuhay ako sa katauhan ng kakambal ko para pagbayaran ang kasalanan ko. Ang kasalanan na kahit kelan di ko malilimutan

'Prince Night'



'Prince Night'



'Prince Night' tawag sakin ng mga tao. May mga oras na masaya ako dahil di nila nahahatang di ako ang tunay nilang tinatawag pero sa oras na ito ay naiinis ako dahil di nila ako makita.

Nakakaasar dahil parang mas gusto nilang si Night ako kesa kay Light na totoong ako. Nakakainis dahil kahit sino sa mundo ito napaniwala ko sa pagpapanggap ko. At dahil sa inis ko ay gusto kong bigla na lang isigaw na ako si Light at buhay pa ko, ng paulit ulit hanggang maalala ko ulit kung sino talaga ako.

Pero alam ko naman na kabayaran ito sa kasalanan ko. Deserve ko ang lahat ng ito at dapat magdusa pa ko dahil sa mga ginawa ko. At yun lang ang palagi ko tinatatak sa isip ko lalo na pag nararamdaman ko ang pakiramdam na yun.

At kagaya ngyon bigla ko na lang muling nardaman ang nakaksinis na feelings na yun. Simula ng makita ko na naman sya umiiyak magisa.

'Wala kang pagkain' ani ko at tinalikudan si Spade. Para rin matanggal ko sa isip ko ang nakakaasar na pakiramdam na yun.

Pero napatigil ako pagiisip  at ang pagtakbo ng mundo ko ng tinawag nya ko.

Tinawag nya ko.

Oo tinawag nya ko

Hindi biglang Night

Tinawag nya ko sa pangalan na kay tagal ko ng gustong marinig.

Tinawag nya ko.

'Light' napalingo ako ng dahan dahan dahil dun. Kala ko ay mali lang ako ng rinig. Kala ko ay niloloko lang ako ng aking tenga pero muli nya kong tinawag.

'Ikaw si Light' at dahil dun ay napamura ako sa isip ko. Namiss kong tawaging Light.

XXX

LEGAL WIFE NI KIM TAEHYUNG

Double Update guys pambawi sa matagal ko di pagUD.(I mean magkasunod haha)Lubos lubosin hanggang inspired na naman si Ako. Kasi di natin alam kung kelan ito ma uulit haha.(^o^)(^_-)

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon