Chapter 8 : Left for dead

98.5K 4.3K 2.8K
                                    

8.

Left for dead

Tammy

“Dustin! Dustin!” Iyak ako ng iyak nang makita ko ang duguang si Dustin na nakahiga sa damuhan. Paulit-ulit akong sumisigaw at humihingi ng tulong, wala akong pakialam kahit na maubusan ako ng boses o kahit napakasakit na ng lalamunan ko.

 

“Dustin?! Diyos ko anong nangyari sa anak ko?!” Napalingon ako at nakita ko ang umiiyak na si Mommy at tumatakbo siya patungo sa direksyon namin.

 

Namalayan ko na lamang na kinakarga na ni Daddy ang walang malay na si Dustin habang ang mommy ay naghy-hysterical parin.

 

“Anong ginawa mo sa kapatid mo?!” Sigaw ni Mommy at bigla na lamang akong sinampal kaya wala akong ibang nagawa kundi umiyak na lamang.

Mas binilisan ko lalo ang pagtakbo nang bumalik sa isipan ko ang alaala ng nakaraan.  Hindi ko na alam nasaan ako pero alam kong malayo na ang inabot ko. Sa bawat paglipas ng oras na hindi ko nakikita si Dustin ay lalong tumitindi ang takot at pag-aalala ko. Hindi siya pwedeng mapahamak. Hindi siya dapat ulit mapahamak dahil sakin…

“Tamara?!”

Nahinto ako sa pagtakbo nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang nakahintong kotse sa likuran ko. Nakatutok sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng headlight niya kaya itinaas ko ang kamay ko bilang panangga sa mga mata ko.

Biglang may bumaba mula sa kotse at nakita kong si Kirk pala.

Kunot-noo niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa kaya napatingin din ako sa sarili ko. Ngayon ko lang napansin na isang tsinelas lang pala ang suot ko at ang kaliwa kong paang walang sapin ay nagdurugo na. Suot ko parin ang kulay puti kong sando at pink pajama.

“Tamara anong—“ Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Iika akong nagtatakbo at walang kagatol-gatol na pumasok sa kotse niya.

“Drive!” Giit ko.

“What the hell? Get out of my car!” Sigaw niya na nakatayo parin sa labas.

“Get in and drive you son of a bitch!” Sigaw ko at sa sobrang lakas ng boses ko ay dali-dali siyang nagtatakbo papasok ng kotse at nagsuot ng seatbelt.

“Saan?” Aniya.

“At school! Now Shut-up, hurry up and Drive as fast as you can! Drive or so help me God, I will gouge your eyes out using my bare fingers!” Sunod-sunod kong sigaw kaya agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

Kapwa kami binalot ng nakakailang ng katahimikan habang tinatahak ang madilim na daang patungo sa Crimson Lake University. God knows how awkward it is but I don’t care kasi nakahanda akong gawin ang lahat para kay Dustin.

“You cussed and carjacked me. So much for being the good girl.” Mahinang sambit ni Kirk na mistulang nagngingitngit na sa galit.

“You don’t know a person until you push them to a corner.” I retorted.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon