Volume 2 CH 44: Feelings

2.8K 59 39
                                    

Raven's Pov

Isang linggo ang lumipas simula nung naalala ko ang mga nalimutan kong problema at isa ay wala akong sinabi ng mga ito. Hindi dahil di ako nagtitiwala sa kanila sadyang ayoko silang madamay tulad ng mga nangyari dati.

Ayoko ng idamay sila sa sarili kong problema. Ngyon na naalala ko na ulit ito sa di ko malaman na dahilan ay ayoko may masaktan muli dahil sakin.

Sapat na ang mga nagbuwis ng buhay para sakin noon. Kaya tikom ang bibig ko sa nakalipas na araw.


Sa isang linggo rin iyun ay di ko makausap ng ayos si Zack. Di ako makahanap ng chance na magusap kami tungkol sa mga sinabi nya sakin nun.

At parang kung umakto sya pagkasama ako ay parang walang nangyari. Para wala na sa kanya yun mga sinabi nya sakin.

Balak ko sana sya kausapin para linawin yun mga sinabi nya pero di ako makahanap ng pagkakataon dahil palagi nya iniiba usapan. Kaya hinayaan ko muna sya magulo parin naman ang isip ko kaya dapat maayos ko muna yun problema ko bago ko sya harapin.

Isa pa sa mga plano ko dapat ay ang kausapin si Ver este si Silver pero nitong mga nakaraang araw ay abala sya sa mga gawain bilang pinuno ng student Committee. At kung nakikita ko naman sya ay palagi nya namzn kasama ang prinsesa.

At kung sakaling magkaroon ako ng pagkakataon na makausap sya, sa tingin ko di ko alam kung san magsisimula? Marami akong gustong sabihin sa kanya at marami rin akong tanong na gustong malapatan ng sagot. At di ko alam kung pano ito sasabihin sa kanya lalo na ng kaharap sya.

'Mukhang nasa ibang mundo na naman ang utak mo Raven ah' ani ni Kaera kaya na patigil ako sa pagiisip. Nilingon ko sila kasalukuyan kasing nada library kami kasama si Ashton. Laking pasasalamat ko nga na nakapasa si Ashton at dahil sa akin nyang kakayanan ay mabilis sya nakahabol samin ni Kaera.

At masaya akong nakalaya na sya sa kanya selda at ngyon ay unti unti ng lumalawak ang mundo nya.

'May tinatanong si Ash sayo' dagdag pa nito kaya napalingon ako kay Ashton na kasalukuyang nakatitig sakin.

Mukhang na palalim na naman ang pagiisip ko at di nalamay ang nasa paligid ko. Ilang araw na akong ganto at alam kong napapansin ito ng mga kasama ko.

'Ano yun Ashton?' tanong ko dito. Sa pananatili kasi dito ni Ashton ay hirap pa sya makipagsalamuha sa ibang tao. Ako lang halos ang kinakausap nya o pinagtatanungan nya. Swerte lang kung sumagot sya sa mga tanong ng ibang tao.

Pero sabi nya sakin ay mabait daw si Silver. Kaya natuwa rin ako dahil mukhang magiging maayos ang pagsasama nila. Mabait at alam ko naman na gusto rin ni Ashton na makipagkaibigan sa iba Pero di lang talaga sya palaimik at di sya ganon kasanay sa ibang tao.

Gaya ngyon tinuro nya lang yun orasan at dun ay napagtanto ko na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin.

'Thank you Ashton. Tara na baka malate pa tayo' yaya ko dito. Na pansin ko naman na nagpanic si Kaera dahil maski sya ay mahuhuli na rin sa klase nya. Favorite class nya pa naman yun.

'Omo ayokong malate sa klase ko nandun pa namsn si Prince Night' bulalas nito. Kaya napangiti ako. Magkaiba kasi kami ng klase ngyon ni kaera pero kasama ko naman si Ashton.

Pinilit ko kasi magkapareho kami ng schedule ni Ashton para masamahan o maguide ko sya.

'Una na ko Raven at Ash,kitakits mamaya ah' nagmamadaling pagpapaalam nito sabay karipas ng takbo palabas ng library.

'Tara na Ashton baka malate din tayo' ani ko at simunod naman agad sya sakin. Naalala ko na kaklase ko pala si Zack sa klaseng pupuntahan namin. Baka sakali na makausap ko na sya mamaya.

'M-may problema ka ba R-raven?' rinig kong tanong ni Ashton sakin habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

Nginitian ko naman ito bago sumagot 'oo naman'

'Di kasi m-mukhang okay ka' dagdag nya pa kaya nawala ang ngiti ko.

Ilang araw ko na kasing pilitin tinatago ang lahat. Pinipilit ko ang sarili kong magpanggap na okay lang ako. Pero sa pagbalik kasi ng alaala ko kasabay rin nitong bumalik lahat ng sakit at galit ng nakaraan.

Minsan pa nga ay di ko maiwasan na umiyak magisa lalo na pag kumakawala sa aking mga mata ang mga luhang kay tagal ko ng tinago.

Pero kahit ganon, kahit masakit tinatago ko parin ito sa iba dahil ayokong magalala sila. Kaya di ko inaasahan na mapapansin ito ni Ashton kasi sobrang pagtatago ko na ito sa kanila.

'P-arang ang bigat bigat k-kase ng nararamdam mo n-ngyon' dagdag pa ni Ashton kaya napakagat ako ng aking ibabang labi.

Kahit anong tago ko pala at pagkukubli may kakawala parin pala. May makakakita parin pala ng totoong nararamdam ko.

'Okay lang ako Ashton. Magiging okay din ako' sagot ko dito sabay ngiti sa kanya ng mapakla.

'Secret lang natin ito ah' dagdag ko pa.

Kung sana'y mababalik ko lang ang nakaraan di sana ganto kabigat ang nararamdam ko. Di sana ganto ang nangyari .

Sana masaya pa rin kami

At sana nandito pa sila sa piling ko

Si Ina at Ama.

XXX

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon