Chapter 29

15.8K 657 310
                                    


Zoe's POV

Naghahanda ng almusal si Alexa at Alicia kasabay ng pagkwe-kwentuhan nila. Hindi na sila naubusan ng pagkwe-kwentuhan simula kagabi. Himalang hindi malamig ang pakikitungo ni Alexa kay Alicia. Tinanong ko sya kagabi pero hindi nya ako sinagot at natulog na lang. Magtatampo nga sana ako sa kanya pero niyakap nya ako kagabi kaya okay na ako.

"Mama." Tumingin ako sa bagong pasok ng kusina. Si Aero na halatang hindi pa naghihilamos.

"Maghilamos ka muna, Aero." Sabi ko.

"May malaking gagamba sa banyo ko." Sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Wag mong sabihin na takot ka don?" Sabi ko. Nahihiyang napayuko si Aero. Napailing na natawa ako kay Aero. Kalalaking tao.

"Doon ka muna sa banyo namin maghilamos." Sabi ko. Tumango si Aero at lumabas ng kusina. Sya naman ang masiglang pasok ni Alex.

"Goodmorning, goodmorning, goodmorning!" Masigla nyang sabi at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi. Natuwa pa si Alicia sa kanya.

"Ang hyper agad ng bata." Sabi ni Alicia at ginulo ang buhok ni Alex. Napahalikgik si Alex sa kanya.

"Mama! Punta ako kanila Tito Al. I want to try to play piano!" Masiglang paalam nya sakin. Tumingin ako kay Alexa pero hindi ito tumingin sa gawi namin. Ako na naman ang magdedesisyon.

"Wala sila Tito Al mo don ngayon." Sabi ko. Gustohin ko man syang samahan sa bahay nila Alexa, may lakad kami ni Steph ngayon.

"Nandon si Mommy." Sagot ni Alexa at lumingon samin.

"Hindi kaya makulitan sila Mommy kay Alex? Tila nakainom ng energy drink ang isang 'to ngayon." Sabi ko. Napa-pout sakin si Alex na ikatawa namin ni Alicia.

"I will go with him, Ma." Sabi ni Aero na bagong pasok. "Magpra-practice din akong mag-gitara doon."

"May haharanahin ka?" Tanong ko. Tila nabigla si Aero sa sinabi ko.

"Ma!" Natawa ako sa reaction ni Aero. Hindi man nya sabihin pero halata sa mukha nya.

"Wag mo unahan Ate mo." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman eh." Sabi nya na namumula pa din.

"Oh talaga? Sino yung nakita kong kasama mo nung nakaraan?" Pang-aasar ko kahit wala naman akong nakita. Nakakatuwang asarin ang mga anak ko eh.

"Wala naman akong kasamang babae nitong nakaraang araw eh!" Sabi nya. Natatawa ako dahil tumataas ang boses nya.

"Tama na yan. Hindi ka na nagbago, ang hilig mong mang-asar." Sabi ni Alexa habang inililigay nila ang pagkain sa lamesa.

Hindi na ako umimik dahil baka sermunan ako ni Alexa. Nakangiti na lang ako kay Aero na naiinis sakin.

"Goodmorning!" Napatingin kami kay Zap na pumasok. "Makikikain lang."

"Wala bang pagkain sa kabila?" Tanong ko. Dalawang araw silang nasa labas ng camp, babalik din sila pagkatapos. Kailangan kasing ibigay sa pamilya nila ang mga pasalubong nila at makasama din ang pamilya.

"Inubos ni Kuya eh. Ayoko na din abalabin pa sila Mama magluto." Sabi nya at naupo sa tabi ni Alex.

"Si Kuya talaga, nakalimutan atang nandito ka ngayon." Sabi ko. Natawa na lang si Zap sakin.

"Tita Alicia, ano balak ninyo sa bakasyon ninyo dito?" Tanong ni Zap kay Alicia. Ngumiti si Alicia bago sumagot.

"Pupuntahan ko ang puntod ng parents ko tapos maglilibot." Sagot ni Alicia.

"Hindi ka kaya maliligaw nyan kung ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Alexa. "Gusto mo ba samahan na kita? Wala akong practice ngayon."

"Talaga?" Masayang sabi ni Alicia. Mukhang magda-date pa ang dalawang ito.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now