Chapter 7 - LDR

748 14 8
                                    

Patuloy lang ang buhay, balik na muli sa normal na gawi si Mia. Trabaho, bahay at paminsan-minsan ay lumalabas siya kasama ang dalawang kaibigan at pamilya niya.

Samantalang si John ay ganon din. Pero ngayon ay mas inspirado ito sa araw-araw. Abala din ito sa paghahanda sa kasal nila ni Mia at pag-petition nito sa kasintahan.

Excited ito araw-araw gumising at umuwi ng bahay dahil agad-agad nitong tinatawagan si Mia. Marinig lang nito ang boses ng nobya ay buo na ang araw nito.

Pero hindi pa rin naiisipan ni Mia na gumamit ng social media. Nagkakausap lang sila ni John sa pamamagitan ng international call at text. Medyo magastos iyon para kay John. Pero hindi ito nagde-demand at hindi nito pinu-pwersa o sinasabihan si Mia na magbukas ng Facebook para dun na lang sila magkausap at magkakakitaan pa sila sa video. Subalit ang mas concern ay ang dalawang kaibigan nila.

"Bestie, wala ka ba talagang balak gumamit ng Facebook para mas matagal mong makausap si John? Saka para makita mo na rin siya sa video call," curious na tanong ni Ella kay Mia habang kumakain sila ng fish ball sa kanto.

"Hindi naman siya nagrereklamo," sagot ni Mia sa kaibigan habang sumusundot ng kikiam.

"Gaga! Hindi yun magrereklamo kasi mahal na mahal ka nun 'no! Palibhasa ay matagal kang walang inaalalang jowa," sabad naman ni Deli sabay sundot sa fishball na nakasalang pa sa kawali ng tindero.

"Ilang minuto mo lang ba siya nakaka-usap sa international call? Di ba 20 minutes hanggang 30 minutes lang, tapos hindi mo pa siya nakikita. Mahal bes yang tawag sa international, kaya si boyfriend hindi tumatawag sa phone number ko kapag nasa Canada siya. Mas matipid daw kasi kung sa Facebook na lang kami mag-uusap tapos nakikita pa niya ako," mahabang paliwanag naman ni Ella.

"Ganon ba yun?" sabi lang ni Mia.

"Abay oo naman bestie! Kailan mo ba nakitang tumawag si Joseph sa akin sa cellphone number ko? Kaya nga napipilitan ako mag-online palagi. Dahil gusto niyang mag-usap kami at mag-video call palagi pag nasa bahay na siya," kwento pa nito na bahagyang kumunot ang noo dahil medyo naiinis sa boyfriend nito minsan. Naoobliga kasi itong pumunta sa internet shop kapag walang load ang pocket wifi nito.

"Bestie, mag-Facebook ka na lang kaya ulit. O kung ayaw mo naman na may maalala sa lumang FB mo, gumawa ka na lang ng bagong account, girl!" suhestyon naman ni Deli.

"Tama bes, kaya halika na sa internet shop sasamahan ka namin ni baks. Gagawa tayo ng bago mong Facebook, bongga yun girl!" gatong ni Ella na tila ito pa ang mas excited. Sabay hila nito sa kamay ni Mia patungo sa internet shop na nasa tapat lang ng kinakainan nila ng fish ball.

"Ay bongga nga yan! Gorabels na mga bes!" masayang sulsol din ni Deli sabay maarteng tapon ng stick ng fishball sa basurahan.

Dahil gusto rin makita ni Mia si John sa video call. Kaya pumayag na rin siya sa udyok ng dalawang kaibigan. More than 2 months na rin kasi niyang hindi nakikita ang nobyo, puro call at text lang sila sa cellphone. Kaya tumitindi nang tumitindi ang pangungulila niya dito. At isa pa ay naisip din niya na baka nga gumagastos pa ng mahal sa load si John para lang matawagan siya.

Alam niya na madami itong bills na binabayaran. Kaya ayaw niyang makadagdag sa mga kunsumo nito. Kya nga kahit ini-insist ni John na padalhan siya ng pera ay tinatanggihan niya ito. Dahil hindi naman niya kailangan iyon at may maganda naman siyang trabaho at sapat ang kinikita niya. Ayaw niyang isipin ni John na pera ang habol niya dito at ayaw rin niyang dumipende sa nobyo.

Susurpresahin niya si John. Yun ang namuo sa kanyang isipan habang abala ang dalawang kaibigan sa paggawa ng bago niyang Facebook account.

"O ayan bestie, tapos na!" masayang wika ni Deli. Pinagtulungan nila ni Ella na gawin ang napaka-simpleng bagay lang na yun para sa kaibigan. Dahil alam nila na walang maaasahan kay Mia pagdating sa social media.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon