Chapter 10 - Drastic change

651 12 5
                                    

Goodbye Philippines, hello America!

Napakabilis lumipas ng mga araw. Dumating na nga ang takdang panahon ng paglisan ni Mia sa bayan niyang sinilangan.

Sabado pa ang flight niya. Pero myerkules pa lang ay tila ba ramdam na ramdam na niya ang kalungkutan habang ini-impake ang ibang gamit niya sa maleta.

Habang sinasalansa niya ang mga damit sa maleta ay bigla siyang nilapitan ng anak na si Matthew. Sabay bigla siya nitong niyakap ng napaka-higpit.

"Mommy, sobrang mami-miss po kita!" wika ng bata na parang rugby na nakayakap sa ina.

"Anak, ako din sobrang mami-miss kita. Mas masaya sana kung kasama kitang aalis," malungkot na tugon niya habang yakap ang anak.

Maya-maya pa ay kumalas na si Yu sa pagkakayakap sa ina. "Mommy, sorry po kung hindi kita masasamahan. Pero promise po, pag tapos na po ako ng high school susunod po ako sayo," malambing na paumanhin at pangako ng bata.

"Promise yan anak ha?" Nginitian niya ang malambing na anak at hinalikan sa pisngi.

"Yes po Mommy, promise po! Basta pag nalulungkot ka tawagan mo lang po ako. At pag pinaiyak ka ni Daddy John sabihin mo po agad sa akin ha. Para pauuwiin po agad kita," lambing pa ni Yu sa ina.

"Ang sweet naman ng baby ko. Payakap nga ulit si Mommy!" nakangiting sabi niya. Sabay yakap at kiss muli sa pisngi ng napaka-lambing niyang anak.

"Basta Mommy promise ko po na lagi kitang tatawagan at mas gagalingan ko pa po sa school para maging proud ka po lalo sa akin."

"Dapat lang anak, at wag mong bibigyan ng problema si Lola at mga Tito at Tita mo ha."

"Yes Mommy, promise po!"

"Thank you anak, ang swerte-swerte talaga ni Mommy sayo!"

"Bakit po, dahil po ba cute ako o matalino?" biro ng bata.

"Hmmp, syempre both! Kanino ka pa ba naman mamana. Syempre, kay Mommy di ba?" ganting biro niya kaya nagkatawanan silang mag-ina.

Pero totoo naman talaga na mana sa kanya si Yu. Matalino, mabait na bata at magandang lalaki ito. Pero sa totoo lang. Noon ay kahawig nga niya ito.

Pero habang lumalaki ay napupuna niya na tila nagiging kamukha na nito ang biological father nito. Na hindi niya alam kung nasaang lupalop na ba ng daigdig.

Wala naman siyang balak na hanapin ito. Dahil hindi naman naghahanap ng ama ang anak niya. Minsan lang ito nagtanong sa kanya. Pero simula nang na-explain na niya sa bata kung bakit wala itong ama, ay hindi na ulit siya nito kinulit pa.

Hindi kasi nagkukulang sina Mia sa bata. Ang pagmamahal at pag-aalaga na dapat na ibinibigay ng isang ama ay nakukuha naman ni Yu sa buo nilang pamilya. Ang kuya ni Mia ang naging ama-amahan ni Yu habang lumalaki ito. Dumagdag pa si John, kaya lalo ng umapaw ang pagmamahal ng isang ama sa bata.

"Thanks Mom! Pero Mommy may surprise po ako sayo," masaya at biglaang pag-iiba ng bata sa usapan nila.

"Ano yun anak?" curious at excited na tanong niya.

"Pikit ka po muna. Wag kang mumulat hangga't hindi ko po sinasabi ha!" malakas na hiyaw ng bata habang papalabas ng kwarto ni Mia upang kunin ang surpresa sa ina.

Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Yu habang nakapikit pa rin si Mia. "Mommy, open your eyes na po, please!" excited ang boses na wika ni Yu na halatang kinikilig sa surpresa sa ina.

Pagbukas ng mga mata ay laking gulat ni Mia. Hindi agad siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan na makikita si John.

Nalanghap niya ang amoy ng binata kanina habang nakapikit siya. Pero pinagkibit-balikat lang niya iyon. Dahil sa pag-aakala na baka imahinasyon lang niya na naamoy ang pabango ng nobyo.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon