Chapter 30

17.1K 733 206
                                    


Zoe's POV

"Tinalo pa ata ang Cup Tournament ang event ngayon sa sobrang daming tao." sabi ni Russel. Natawa naman ako. Nasa locker kami ng mga kateam ko ngayon. Ang mga kasama ko ay sila Russel, Aj, Xenon, Nikki at Kiara tapos ang makakalaban namin ay sila Steph, Alexa, Japan, Torey, Louise at Gen, mga bigating kalaban. 

Hindi ko alam kung paanong naging ganito ang team up namin dahil nung pagkarating namin ni Alexa ay sinabi nya dito ang locker ko kasama ang mga kateam ko tapos sa kabila naman sila. At ito nga, nagulat ako na sila ang makakasama ko, wala man lang kasama sa Big Three, hindi nga lang Big Three dahil nandon si Gen.

"Sinadya nila na magkakasama yung apat." sabi ni Aj. "Aba wala akong palag kay Gen simula pa lang nung una." dagdag nya pa. Si Aj ang pumapangalawa noon sa Blue Team.

"Paano pa kaya kami? Steph, Japan at Alexa?" sabi ni Kiara.

"Ano ba? tiwala lang tayo kay Zoe." langya itong si Nikki binigay sakin yung pressure.

"Tama, ito na ang pagkakataong talunin ang Big Three ng Red Team." sabi ni Russel.

"Mga walangya kayo." sabi ko at nagtawanan kami.

Ang game namin ang unang maglalaro sunod ang kanila Ate Kill. Hindi ko pa alam kung sino ang magkakasama dahil wala naman sinabi sa post ni Louise nung nakaraan at walang nagsabi kung sino ang magkakasama. At katulad ng sabi ni Russel ay sobrang daming nanood ngayon. Dito pa lang sa locker namin ay rinig na namin ang mga nagsisigawan na tao dahil meron munang pa-raffle.

Tinawag lang kami nung mag-uumpisa na ang laro. Ang lakas ng sigawan nung lumabas kami pati sila Alexa. Sobrang daming fans ng nasa kabilang team.

"Edi sila na sikat!" sabi ni Aj. Talaga ito hindi na nagbago.

"Lampasuhin natin sila." sabi ni Kiara. Parang dali ng gusto nya ah.

"Go, Zoe kaya mo yan." sabi ni Nikki.

"At talagang sakin kayo umaasa ah?" sabi ko.

"Ikaw lang yung araw-araw may practice eh. Kahapon lang kaya kami nakapag-pratice." sabi ni Aj.

"Maniwala ako sa inyo." sabi ko at hindi naman nila pinilit na kahapon lang sila nag-practice. Sila pa ba?

"Wala ng warm-up, warm-up! Bira na agad!" sigaw ni Russel dahil nagwa-warm-up ang kabila.

"Aba, aba mukhang ready na ready si Russel ah." naka-mic na sabi ni Ate Anya. Siraulo naman itong si Russel at kinuha pa ang mic.

"Lalampasuhin namin kayo!" sabi nya. Napa-face palm naman ako. Ang agang trash talk naman ito. Sumabay ang mga fans sa sinabi nya.

"Ano Black team?" natutuwang sabi ni Ate Kiwi. Black at White team ang pangalan ng team namin. Kami ang White.  Kung ano ang pangalan ng team namin ay sya din ang kulay ng jersey namin at hindi na rin kami nagpagawa ng jersey dahil may kulay kaming jersey ay ayos na. Isang araw lang naman gagamitin at rush pa ang larong ito.

Lumapit si Steph at mukhang gustong i-broadcast ang sasabihin nya. Hay nako naman sa mga 'to hilig talaga mang-trash talk.

"Hindi ninyo kami kaya. Dalawang NBA player, PBA star player tapos may Gen pa kami?" maangas na sabi ni Steph.

"Hoy! Paano naman kami ni Torey!" rinig kong sabi ni Louise. Ang mga malapit lang nakarinig sa sinabi nya at tumawa.

"Isama na natin ang asawa ng NBA player at coach ng Shakers. Eh kayo?" panghahamon ni Steph. Napatingin ako kay Aj na lumapit kay Russel at kinuha ang mic.

"Kami? may Zoe kami! panis!" natawa ang lahat sa sinabi ni Aj. Napa-face palm na naman ako dahil sa kakahiyan.

"Hindi pa nag-uumpisa ang laro pero mainit na agad ang tagpuan." sabi ni Ate Anya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now