CHAPTER 39: I gotta find you.

23.7K 342 12
                                    

CHAPTER 39: I gotta find you.

 

TJ’s P.O.V

 

Matthew Calling...

 

“Hello?” – sagot ko.

[Tj! Pakitawagan lahat ng kaibigan ni Alex, check mo kung nandun siya, tapos itawag mo sakin! Ngayon na!] –

“Teka—“

Binabaan na ko.

Ano nanamang nangyari? Hindi ko tinawagan yung mga kaibigan namin. Pinuntahan ko nalang sila sa mga bahay nila at sinigurado ko kung nandun ba talaga o wala si Alex..Pero hindi ko siya nakita.

Lahat ng madaanan ng kotse ko tinitignan ko kung makikita ko siya. Nagbabakasakaling nanjan lang siya.

Matthew Calling..

[Nakita mo na ba siya?!] – sigaw niya sa kabilang linya.

“Hindi.Pinuntahan ko na lahat ng kaibigan namin, pero wala siya dun.” – sagot ko.

[Tsk!! Basta tawagan mo ko kung nakita mo na siya!]

“Teka nga. Ano ba kasing ginawa mo Matthew?! Alam na ba niya yung tungkol sa Daddy mo?!” – sigaw ko, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko naman alam kung anong dahilan ng pagkawala niya.

[Hindi.Hindi niya pa alam.] – malungkot na sagot niya.

“Eh anong nangyari?” – tanong ko.

[Tawagan mo ko.]

Yun lang at pinatay na niya yung cellphone niya.

Sh*t.

Inihinto ko muna yung sasakyan ko sa gilid ng kalsada, at sandaling nag isip kung san ko siya mahahanap.

“Alexis...nasan ka ba.”

Bigla kong naalala ang Daddy niya! Kapag malungkot kasi siya ang una niyang kinakausap dati yung Daddy niya.. Agad akong pumunta sa bahay nila Alexis..

-------    

Pagkabukas ng gate.

“Kuya Tj?!!” – nakangiting bati ni Dixie.

“Dixie!”

Yumakap sakin si Dixie, sobrang close kami nung high school pa kami. Lalo na pag natutulog ako sa bahay nila ang kulit kulit ni Dixie.

“Oh Kuya napadaan ka?”

“Ahh, Dixie. Saan nakalibing ang Dad mo?” – mahinang tanong ko.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon