Chapter 22.1

93.9K 2.8K 336
                                    

Chapter 22.1- Partner in Crime



Fuschia's POV


"This time, tama ang hinala ko sayo."



Hindi ko na napansin ang pagkunot ng noo ko sa sinabi niya dahil bigla na lang itong ngumiti sa aking inakto.



"Silly. I know it's you Ms. Fuschia on the very beginning." Sabay tingin nito sa aking suot mula paa hanggang ulo. Jerk!



Hindi ko na pinigilan pa ang pagtaas ng kilay sa kanya na kanya pang ikinangiti lalo. Bahagya pang tumalim ang tingin ko sa kanya bago ako naglakad paalis sa harapan niya at sinundan sina Klaio na ngayon ay naglalakad na patungo sa dormitoryo.



"What are you thinking?" Hindi ko napansin na kasabay ko na maglakad ang tatlo dahil sa mga ideyang pumasok sa isip ko. 



"I'm thinking to kill them." Walang ekspresiyon kong sagot na kita kong ikinatango tango nila sa akin.



I'm not kidding. Kung ibubuklod ang mga pangyayari. Alam kong may kumakalaban na sa akin sa kadahilanang alam na nila kung nasaan ako. No. Alam na nila sa simula kung nasaan ako.



Ang unang beses na pagapak ko sa eskwelahan na may namatay na lalaki. Si Levi na alam kong may iba ding pakay dahil kilala niya ako. Ang lalaking nakaharap ko sa puno sa likod ng isang gusali. At ngayon, ang lalaking handa kaming patayin sa nangyaring drag race kanina. Every pieces fits the missing puzzle.



Rinig na rinig naming lahat ang mga boses na bumabati sa aming pagkapanalo pero tanging pagtango ang ginagawa namin. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa aming floor ng dormitoryo pero bago pa namin mabuksan ang pinto ng aming mga silid ay natigil kami dahil sa naghahangos na babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin.



"Thank you for representing our division Royalties and Ms. Fuschia. Thank you super!" Paulit ulit nito ng may masiglang boses. Simpleng tango lang ang ginawa ko sa kanya nang magtama ang mata namin.



"Except for congratulating us, what else do you need?" May himig ng lamig sa boses ni Klaio. Mukhang tulad ko ay alam niyang may kailangan pa ito sa amin.



"Every presidents got the announcement that tomorrow morning activities are simple ball games. Volleyball and Basketball to be exact. Activities for afternoon ay iaanunsyo na lang muli daw. Nakakahiya mang itanong but members of our division want me to ask the four of you kung pwede kayong sumali. Alam nilang competitive ang bawat sa inyo and they really were amazed about what happened kanina sa race. Actually ang gagaling niyo daw at nagkaroon na kayo ng fans dahil ang gal--"

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon