Chapter 12 - New beginning

650 16 3
                                    

Present time.

Love, patawad kung nawalay sa akin ang anak natin. Sana maintindihan mo ako, dahil kailangan kong magtrabaho para sa future ng mga bata. Umiiyak at humihingi ng tawad na bigkas ni Mia sa isip habang nakapikit at dinadama ang presensya ni John.

Nakahiga siya sa kama. Yakap pa rin niya ang larawan ng namayapang asawa.

Limang taon na love. Pero palagi pa rin kitang nami-miss. Araw-araw mo pa rin akong pinaiiyak. Pero okay lang, dahil alam ko namang masaya ka na sa piling ni God. Dugtong pa niya.

Kaya ba naging mabilis ang lahat sa atin. Dahil mabilis ding matatapos ang chapter ng pag-iibigan at pagsasama natin? Pero kahit napaka-ikli man ng ibinigay na panahon para sa atin, gusto kong malaman mo na wala akong panghihinayang na minahal kita. Wala akong pagsisisi na pinili kitang samahan at pakasalan. Tahimik na wika pa rin niya sa sarili habang wala pa ring patid ang pagtulo ng mga luha.

Niyakap niya ng mas mahigpit pa ang picture ni John habang nakapikit pa rin at patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi.

Kahit na lumipas na ang mga taon ay ganoon pa rin ang pangungulilang nararamdaman niya sa araw-araw.

Lalo pa siyang nalulumbay sa tuwing makikita niya ang napaka-gwapong asawa niya sa pictures na tila ba buhay na buhay sa mga larawan nito.

Kaya nga para mabawasan ang pangungulila niya ay pinagtatanggal niya ang lahat ng alaala ni John sa buong bahay. Lahat ay pinagsama-sama niya sa isang kwarto nila.

Halos gabi-gabi pa rin siyang umiiyak hanggang makatulugan ang pagtangis sa kwarto nilang iyon dati ni John. Pero walang kahit sino ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya.

Sa paningin ng iba ay matatag siya at wala ng bahid ng pagdaramdam. Subalit sa loob niya ay sobrang lungkot niya at nangungulila.

Pero ganoon siguro talaga kapag namatayan ka ng minamahal. Grief and loss takes time. She couldn't even function and it took so long for her to figure out how to live her life without him.

Good thing may pamilya siya at may mga kaibigan sila ni John, showing their empathy, support and patience noong panahon na parang ayaw na niyang mabuhay.

It's not easy facing heartaches and losing someone we love. Pero marahil ay proud sa kanya si John ngayon. Dahil kinakaya niya ang lahat kahit na mag-isa na lamang siya.

Kinabukasan ay naisipan niyang mag-online sa Facebook. She wanted to say hello to her two best friends. Matagal-tagal din siyang nawalan ng gana mag-social media mula nang mamatay si John. Ngayon lang ulit niya mabubuksan ang Facebook niya.

"Bestie kumusta ka na!" tili ni Ella sa video call habang kausap si Mia.

"Okay lang bes, pasensya ka na ha matagal akong hindi nakapag-online," nakangiting paumanhin niya kay Ella sa kabilang linya.

"Oo nga bestie, kaloka ka! Buti naman after 5 years nag-online ka rin at kinamusta mo rin kami ni baks! Grabe ka, alam mo bang palagi ka naming naaalala. Kaso hindi naman namin alam kung paano ka kokontakin. Address mo lang ang meron kami, nare-receive mo naman ang pinapadala naming cards sayo di ba?" mahabang litanya nito na kunwari ay nagtatampo.

"Oo bes nare-received ko naman. Salamat dahil naaalala n'yo pa rin ako. Kaya lang, wala akong time talaga mag-send back ng card sa inyo e. Saka super busy sa trabaho, kaya sina Mama minsan ko na lang din tinatawagan at nasusulatan," paliwanag niya at paumanhin dito.

"Hindi mo na siguro alam ang itsura ng mga pamangkin mo ano? Ikaw ba namang limang taong walang balita sa online world! Parang ganitong-ganito ka noong una mong heartache, di ba?" may himig na sermon nito sa kanya.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon