Chapter 13 - Cake

641 10 6
                                    

"Hi, is my order ready?" wika ng kakapasok pa lang na lalaki sa cashier ng Walz bakeshop.

Agad namang kinuha ng staff ang information ng lalaki para i-check sa computer kung ano ang inorder nito at kung ano ang dedication na ipinalagay nito.

"Oh yeah, it's ready in a few minutes. Please, take your seat while waiting. Thank you!" nakangiti at magalang na wika ng cashier pagka-check sa computer ng order ng lalaki.

Halatang giniginaw ang lalaki. Dahil sa lakas ng snow sa labas na may kasama pang malakas na ihip ng hangin. Naka-long sleeved lang kasi ito at walang doble na winter coat. Maging ang ulo nito at tainga ay wala man lang beanie na pananggalang sa lamig.

"Okay, no problem. It's still snowing and I think it's better to stay here for a while!" tugon ng lalaki na nakahalukipkip ang mga kamay sa bahaging kili-kili. Wala man lang din itong gloves sa mga kamay.

Si Mia naman ay abala sa pagche-check ng mga orders sa loob ng bakeshop kitchen ng mga oras na yun. Siya na rin ang nagsusulat ng mga dedication sa cake kapag absent ang staff niya.

Noong nabubuhay pa si John. Habang nagtatrabaho si Mia at hindi pa nabubuntis, ay nag-aral siya through online ng ilang buwan as cake decorator.

Kaya kayang-kaya niya lahat ng trabaho sa bakeshop kapag may absent siyang staff. Kahit sa ibang position sa bakeshop ay siya na rin ang sumasalang para sa mga absent. Hindi niya ugali ang umutos nang umutos sa staff niya kahit pa manager siya doon.

Nang ang order na ng lalaki sa labas ang lalagyan ng dedication ay napangiti ng bahagya si Mia sa dedication message na pinapalagay ng customer.

Happy Happy Birthday Love

I love you so much!

Mateo

Napawi din agad ang ngiti niya at napangiwi nang mabasa ang pangalan ng nagpagawa ng dedication cake. Dahil may naalala siya bigla sa pangalang iyon.

Pagkatapos maisulat ang dedication ay tinawag na niya ang staff niya sa may counter. Upang ibigay na ang cake sa customer at ipa-check na rin kung happy ito at satisfied sa nakasulat na dedication sa ibabaw ng cake.

"Number 85, please!" tawag ng cashier sa customer 85. Agad namang lumapit ang lalaki sa counter na 5 minutes nang nag-aantay sa order nito.

"Hi, thank you for your patience, I really appreciate it. Kindly check your order, please!" magalang na wika ng cashier sabay bukas ng cover ng kahon ng cake upang ipakita sa lalaki ang desenyo.

Nang makita ng lalaki ang dedication cake ay tumango ito bilang hudyat na okay na at satisfied na ito. Pero saglit itong napatitig bigla sa handwriting sa cake.

May bigla itong naalala sa sulat kamay na iyon. Kaya napatigalgal ito ng ilang segundo. Naputol lang ang pag-iisip nito nang biglang nagsalita muli ang cashier.

"Awesome!" wika ng cashier sabay tali sa kahon ng cake at iniabot iyon sa lalaki.

"Thank you!" nakangiting tugon naman ng lalaki sabay abot at kuha ng cake na inorder nito.

"You're very welcome. Here's your receipt, please come again! Have a nice day sir and drive safely!" masayang wika ng cashier na napakatamis pa ng ngiti sa customer na nagngangalang Mateo.

"You too!" tugon ni Mateo sabay talikod at labas ng bakeshop.

Nawala na bigla sa isip nito na magpalipas ng oras at hintayin ang hupa ng snow sa loob ng bakeshop na iyon. Basta dire-direstso lang ito sa kotse nito at dali-daling nagmaneho palayo.

Si Mia naman ay abala pa rin sa loob ng kitchen dahil madami siyang cake na kailangang sulatan ng dedication message at lalagyan ng decoration. Madami silang pa-order na cake sa online na for pick up ng araw na iyon. Kaya hindi na niya magawang lumabas ng kusina.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon