SMUC: Chapter 4

4.3K 131 0
                                    

SMUC : Chapter four

Cyril’s POV

“SIGE,” anas ko kay Carlo. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Nakita ko kung paano siyang nabighani sa sinabi ko.

        “Sige, susunduin kita bukas.” Binigyan niya ako ng kaniyang napakatamis na ngiti. Tama nga naman ang mga kaibigan ko, walang babae ang tatanggi kay Carlo. Dahil bukod sa kaguwapuhan niya, di hamak naman na mabait siya kesa kay Tyler.

        “Hihintayin kita,” anas ko kay Carlo. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya. Parang nahahawa ako sa mga ngiti niya kaya kusa na rin akong napangiti. “Alis na’ko.” anas ko.

        “Sure,” nakangiting sagot niya. Tinalikuran ko na si Carlo at naglakad na paalis. Hindi naman malungkot ang puso ko pero hindi rin naman ako ganoon kasaya.

        Alam ko naman na hindi ko gusto si Carlo, pero tama ang mga kaibigan ko. Hindi ko dapat siya paasahin. Dahil pumayag ako sa inaalok na date sa akin ni Carlo ay siyang pagpayag ko na din sa mga kaibigan ko na kakalimutan ko na si Tyler. Ayoko ng mag-away ulit kaming magkakaibigan, importante sila sa akin at alam ko naman na iniisip lang nila ang kapakanan ko. Tama sila, apat na taon na akong nagpapakabaliw kay Tyler, marahil ay hindi niya nga ako gusto.

        “CC!!” sigaw ni Anica sa akin. Sinalubong nila akong tatlo at alam ko naman na magpapakwento lang naman sila sa akin.

        “Pumayag na ako,” anas ko sa kanila.

        Halos magtatalon sila sa tuwa.

        “Ganyan nga CC,” anas ni Anica sabay akbay sa akin.

        “Mabait si fafa Carlo at alam kong matutunan mo din siyang mahalin Cyril Cruz,” anas ni Sandra sa akin.

        Masaya ako na nagkabati na kami. Kagabi kasi ay nagkausap kami gamit ang skype. Kinabahan talaga ako no’n. Nakipagbati sila sa akin at ganoon din ako sa kanila. Hindi naman namin matitiis ang isa’t isa. Napag-usapan namin kung bakit sila nagalit sa akin. Sinabi nila na nag-aalala lang naman sila sa akin at nasasaktan din sila kapag napapahiya ako dahil kay Tyler. Alam ko naman na nagsawa na sila sa kagagahan at kabaliwan ko.

        Naintidihan ko ang nais nilang ipunto. Sinabi rin nila sa akin na bigyan ko ang sarili ko ng oras, oras na ituon ang sarili ko sa iba. Wala naman daw mawawala kung susubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Naintindihan ko rin ang nais nilang ipunto about kay Carlo. Lumilitaw daw na ginagamit ko lang ito at hindi daw ‘yon tama. Tama sila. Kaya napagpasiyahan kong kilalanin si Carlo katulad na din ng sinabi nila. Mukha namang mapagkakatiwalaan si Carlo.

        Pumasok na kami sa classroom. Nabalitaan ko na makikisit-in daw ulit si Tyler sa amin. Gusto kong magpaganda pero para saan nga ba? Halos lahat ng mga babae dito ay nagkakandarapa na mapansin niya at isa na ako sa kanila. Pero pipilitin kong baguhin ito ngayon. Nagfocus ako. Pumasok siya kasama ang kaniyang kaibigan na si Dexter. Hindi ko na siya tiningnan pa. Binuklat ko nalang ang libro sa aking harapan.

        “Tama yan CC,” nakangiting anas ni Anica sa akin.

        “Kyaaaaahhhh! Ang pogi mo talaga kuya Tyler!” sigaw ng mga babae sa classroom namin. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro sa harap ko.

        Alam kong ‘di katulad ng dati, ayokong may lumalapit sa kaniya. Alam kong masama pa rin loob ko dahil ayoko talagang may lumalapit sa kaniya. Pero ayoko naman na magalit sa’kin ang mga kaibigan ko.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon