Chapter 16 - Pilit pinagtatagpo

543 12 2
                                    

Kinaumagahan, maagang nagising si Mia. At gaya ng dati, ito na naman ang makukulit niyang mga kaibigan. Tumatawag sa group video call e kay aga-aga pa.

Kalalabas lang daw ng mga ito sa trabaho. Kaya maagang nangungulit habang nagpapahinga sa bahay-bahay ng mga ito. 6:00 AM sa US at 6:00 PM naman sa Pilipinas.

Mula nang mag-Facebook muli si Mia ay every other day na siya tinatawagan ni Ella at Deli. At sa kalagitnaan ng kwentuhan nila ay pinaalala na naman ni Ella kay Mia ang kasal nito sa October next year. Walang pagsidlan ang saya ni Ella nang sabihin ni Mia na aattend na siya sa kasal nito.

"Bestie, oo nga, nangako na nga ako sayo kanina, di ba? Ba't ayaw mo pa rin maniwala?" nakangiting wika ni Mia habang umiinom ng kape at nag-aalmusal.

"Gusto ko lang makasiguro, bes! Dahil pag ako inindian mo, hindi na talaga kita kakausapin!" kunwari'y nagtatampong sagot ni Ella na umiirap pa ang mga mata at pabirong inuumangan siya kunwari ng kamao.

"Bestie uuwi na nga ako promise, at for good na yun. Kaya wala kang dapat ikatakot na mawalan ng bridesmaid," sambit niya na hindi naman na-gets ng dalawang kaibigan.

"Kailan ka uuwi bes, anong date? Nakabili ka na ba ng ticket? Ang bilis naman! Sa October pa ang kasal nitong isa dito. Niloloko mo ata kami e!" walang tigil na tanong ni Deli na dumidilat pa ang mga mata habang nakapameywang. Dahil hindi din ito naniniwala sa sinasabi niya.

"Uuwi na nga ako dyan for good na. Maybe by February. After kong maayos lahat ng kailangan kong ayusin dito gora na ako dyan mga bes!" malakas na ulit niya na siya namang ikinatuwa ng dalawa.

"Wow, bongga yan!" sabay na tili ng dalawang magkaibigan sa kabilang linya. Kung magkakatabi lang sila at ay malamang nagyapusan pa sila dahil sa good news ni Mia.

"Bestie totoo na ba talaga yan?!" di pa rin makapaniwalang tanong at paniniguro ni Ella.

"Oo nga bes! Napag isip-isip ko kasi na lumalaki na ang mga bata, pero hindi ko sila nakakasama. Na-realized ko na napaka-dami kong taon na napalagpas para makita ang pag laki nila, lalo na si Jana. Hindi ko man lang siya nakita noong unang humakbang at nagsalita. Sobrang dami kong na-miss na panahon para sa mga anak ko mga bes!" biglang lungkot na salaysay niya na halatang nanghihinayang sa nakalipas na panahon na kasama dapat ang mga anak.

"May panahon ka pa naman para bumawi bes. Sigurado naman na naiintindihan ka ng mga bata. At saka, hello girl, mahal na mahal ka kaya ng mga yun, ano ka ba!" alo ni Deli nang makita na lumungkot ang mukha niya.

Day-off ni Mia sa Walz bakeshop. Kaya nagpasya na din siya na hindi na rin muna papasok sa café. Dahil may mga bagay siyang kailangang asikasuhin para sa plano niyang pagse-settle sa Pilipinas for good. Una niyang ginawa ay tumungo sa abogado upang asikasuhin ang pagbebenta ng lahat ng property nila ni John sa US.

Pagbalik sa bahay ay naglinis naman siya. Kasabay nun ay sinalansa na rin niya ang mga important things niya na ilalagay sa balikbayan box na ipapadala niya sa Pilipinas. Para pagdating ng February ay wala na siyang aalalahanin pa. Ang mga hindi niya madadala na maliliit na gamit ay ido-donate na lamang niya sa charity.

Wala kasi siyang oras para i-garage sale ang mga iyon. Yung malalaki at mahal na mga kagamitan sa bahay niya ay isinama niya sa presyo ng property nila ni John. Hindi naman kasi niya madadala sa Pilipinas ang mga iyon. Kaya ibibenta na niya ng total package.

Nakausap na rin ni Mia si Brett na siyang nag-volunteer na bibili ng bahay niya para gawing apartment. Nagkasundo na rin sila sa presyo ng bahay. Kaya any moment ay magpipirmahan na lang sila at magbabayaran kaharap ang kani-kanilang mga abogado.

Hindi naman siya lugi sa presyo ng bahay dahil mabait na tao si Brett. Kahit alam nito na lilisanin na niya ang America for good ay hindi nito sinamantala na babaan ang presyo ng property niya.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon