Chapter 26

117K 3.3K 532
                                    

Walang imik si Sasahh habang sakay ng armored sedan ni Wilson na minamaneho ni Simon. Kala mo presidente na naka-armored car pa. Regalo raw ito ni Robert kay Wilson nang manalo ito sa pagka-Alkalde.

Isinandal ni Sasahh ang gilid ng ulo sa bintana at ipinikit ang mata. Nakaramdam siya ng matinding kapaguran. Doble ang pagod sa mga fashion show na dinadaluhan niya.

Siguro dahil sa sama ng loob kay Wilson kaya ganito. Maisip palang niya ang posibleng ginawa nito at ni Queenie parang sasabog ang dibdib niya sa galit at sakit.

Hindi na rin muna siya sumama kay Samara katulad ng nais nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babae. Hindi siya handa sa mga nalaman. Bukas na lang siya makikipagkita sa babae.

Nagmulat ng mata si Sasahh pero hindi tuminag nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Wilson mula sa tagaliran.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong magkasugat-sugat ang pagmumukha mo!" Napangiwi si Wilson nang maramdaman nito ang galit sa boses ni Sasahh kahit mahina iyon.

"Baby-- aw!" Mapwersa niya itong sinikmuraan. She isn't sure if she'd hurt him dahil tila bato sa tigas ang tiyan nito, pero tila weapon naman ang siko niya dahil sa  buto. Payat siya kaya mas litaw ang buto niya sa siko kaya kahit paano naman sigurado siyang nasaktan ito.

"Kailangan talaga kitang pakainin para magkalaman ka naman."

She glared at him. "Gusto mo ng malaman? Kaya ba pati ang higad na si Queenie pinatulan mo na?!" Queenie is a bombshell. She's thick and curvy.

"Baby girl, no!"

"You like thick! Ayaw mo na sa 'kin because I'm bony!" Nanginig ang labi ni Sasahh nang magbadya ang luha sa mga mata niya. Harap-harapan siyanh nilalait nito. At ngayon lang din siya nakatanggap ng panglalait mula sa isang tao. At sa asawa pa niya. She'd never felt so insecure before. She'd never felt so ugly. Pero ngayon parang pinasayad nitong bigla sa lupa ang self-esteem niya.

"Of course not! You have statuesque figure and I love that. You are perfect for me!"

"Sinungaling! Sinundan mo si Queenie sa comfort 'di ba?"

"Yes! But I have good explanation for that. Just hear-"

"You are horny at kailangan mong magparaos! That's your reason!"

"No!" Kinuha nito ang cellphone, saglit na kinalikot bago inabot kay Sasahh.

"Panoorin mo." She did as she was told. But the video has only triggered her anger. The contain of the video hurt her more. Tila nabara ang lagusan ng hangin sa kanyang lalamunan. Hindi siya makahinga nang maayos. Naninikip ang dibdib niya sa rumagasang  iba't ibang emosyon habang pinapanood ang make out session ni Wilson at Queenie.

Judging by Queenie's facial expression she seems as though she was in heaven. She looked like a woman on the verge of climax. Sarap na sarap sa mga haplos ni Wilson. Wilson touched her boob, lovingly caressed the side of her body while juking their pelvises together. Hanggang sa sapuhin ni Wilson ang pang-upo ni Queenie at parang panadero ang putang-ina na nilalamas ang pekeng puwet ng babae while Queenie is literally fucking his leg.

Matalim ang matang bumaling siya kay Wilson.

"Nag-video ka pa! Ipinakita mo pa sa akin!" Hinablot niya ang palumpon ng mga mapupulang rosas na ibinigay nito sa kanya kanina at pinaghahampas iyon sa mukha ni Wilson. Nagkandalagas-lagas ang mga bulaklak.

Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ng walang-hiyang ito!

"Baby, calm down! Calm down!" Panay ang pakiusap ni Wilson habang sinasangga ang mga hampas pero hindi niya pinakinggan ang hiling nito. Calm down? Paano siyang kakalma, eh, niloloko siya nito.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon