Chapter 27

117K 3.5K 345
                                    

"BINALAK NI dad na kausapin si Wilson para komprontahin sa ginawa sa 'yo. Pero ang lolo niya ang nakausap ni dad. Nalaman rin ni Robert na  buntis ka. Alam mo naman siguro na si Samantha at Wilson ang gusto ng mga ito para isa't isa. Binalaan ng dalawa si dad na huwag ipapaalam kay Wilson ang kalagayan mo kaya ka niya pinaalis. Hindi rin gusto ni dad na maugnay ka sa pamilya dela Fuente kaya nga pinagsabihan ka na niya una palang nang nalamaman niyang nakikipagkita ka kay Wilson."

Parang sasabog ang dibdib ni Sasahh habang hinihintay ang mga sasabihin pa ni Tyler. Parang alam na niya ang mga susunod pa nitong sasabihin pero hinihiling niyang sana mali ang nasa isip. Hindi niya matatanggap kung may kinalaman ang kanyang ama rito.

"Gusto ni Robert na kunin ang bata. Si Samantha ang magpapalaki and later on, Wilson will be the father."

"Huwag mong sabihing pumayag si dad."

"Pinalitan ni dad ang bata at pinalabas na namatay ang anak mo. Iniwan ni dad ang anak mo sa mismong pinto ng bahay ni Samantha sa New York."

Napahawak si Sasahh sa saraling dibdib na bigla ay parang naninikip. Tila nauupos siyang muling napaupo habang walang humpay sa pag-agos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Nagawa ni dad ang bagay na 'yon?"

"He's desperate that time. Para sa kompanya, para sa kaligtasan ng pamilya at para tuluyang maputol ang ugnayan niyo ni Wilson."

"Bullshit! Sinunod ko ang gusto niya! Hindi ko sinabi kay Wilson na buntis ako. Umalis akong hindi niya alam ang kalagayan ko dahil 'yon ang gusto ni dad! Hindi pa ba sapat 'yon?"

"Nagbanta si Robert, Sasahh! Nagbanta siya na sa oras na umurong si Wilson sa kasal ni Samantha nang dahil sa 'yo, magbabayad ang buong pamilya natin... Dad was left no choice."

"Pero bakit kailangan niyang ilayo ang anak ko sa 'kin!" Malakas na sumigaw si Sasahh. Ang sama-sama ng loob niya ngayon sa kanyang ama. Hindi niya akalain na magagawa nito ang bagay na iyon.

"Sasahh, hindi niya gustong gawin pero wala siyang choice. Masakit din para kay dad ang ginawa niya. Pumayag na rin siya dahil si Wilson din naman ang magpapalaki sa kanya. Ang sarili niyang ama."

"Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa bagay na 'to?"

"Just a few months before he died. Hindi ko sinasadyang makita ang video na ginawa niya. He's confessing everything he did on video. He had been monitoring Ryker while he's growing up. Marami siyang photos and videos ng anak mo, mula pagkasilang mo sa kanya at habang lumalaki siya."

"Oh, my God!" Mas lalong pumalahaw ng iyak si Sasahh.

Muling pumasok ng silid si Mitchell dahil sa pag-iyak ni Sasahh. Dinaluhan ni Mitchell si Sasahh na iyak nang iyak.

"Ano'ng nangyari?" Sinapo nito ang magkabilang pisngi ni Sasahh.

"Hey! What's wrong, hmm?"

"Mitchell! Si Ryke... he's my son. He's my son."

"Sandali. Hindi kita maintindihan."

"Kailangan malaman ni Wilson ang tungkol dito." Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bag na nakapatong lang sa tabi niya. Tears blurred her vision as she scrolled down her  phonebook to Wilson and pressed the call.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagpalakad-lakad habang hinihintay ang pagsagot ni Wilson. Namatay ang tawag kaya muli niyang inulit ang tawag pero hindi sinasagot ni Wilson. Si Elisse ang sunod niyang tinawagan na agad namang sinagot.

"Elisse, nasaan ang kuya mo?"

"Hindi pa umuuwi, Ate Sam."

"Si Ryke? How's my son?" Pagkasambit sa pangalan ni Ryke ay naiyak na naman siya. Hindi siya makapaniwalang buhay ang anak niya at wala siyang kaalam-alam na kasama niya ito.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon