Kabanata Labing-lima - A Tough Decision

1.2K 21 1
                                    

Kabanata Labing-lima – A Tough Decision

TUMAKBO nang tumakbo si Daniel sa kakahuyan. Hindi siya pwedeng bumalik kay Emanuela nang hindi pa niya tuluyang nakukuha ang kontrol niya sa sarili. Kaialangan niyang pakalmahin ang sarili. Yes, he was very dangerous to her.

Unti-unti siyang pinakalma ng malamig na hangin sa kagubatan. But the beast inside was clawing at him, wanting to be with the woman.

Pathetic beast.

The girl was getting at his skin. Bakit hindi na lang ito manahimik nang wala na silang problema? He was trying to be nice with her. Inalay pa niya ang kanyang mga kayamanan. Dapat pa nga itong matuwa. Marami na ring mga babae ang halos ibigay ang mga sarili sa kanya ngunit hindi niya lamang pinapansin. And when he decided to give her all the luxury, she declined?

What an impossible girl.

Hindi niya ito matanggap.

“Anong inaasahan mo sa labing-walong taong gulang?” tanong niya sa sarili. She’s nothing but an eighteen year old brat and he’s what? He’s a hundred twenty year old werewolf. His face was that of a thirty year old man for when they reach that age, their body will stop aging. 

Lumagpas siya sa isang malaking puno. He had a perfect eyesight even though it’s still dark. Bigla siyang napatigil nang may maamoy. Nandito sila.  He was occupied earlier that he failed to notice them.

Napamura siya. He let his guard down. He gritted his teeth and withdrew his sword.

Umangal ang mga tuyong dahon.

Pinalilibutan na siya.

“Ganito na lang ba tayo palagi? Bakit hindi niyo ipakita ang mga sarili niyo? Pagod na ako sa pagiging duwag ninyo.”

Nagtawanan ang mga ito.

Wala siyang matandaan na nagpakita ang mga Barbak sa kanila. They were always invincible in the Lorentz Clan’s eyes but vicible to the Degras and Emanuela.

Naningkit ang kanyang mga mata nang unti-unti silang magpakita sa kanyang harapan.

“Kaya naming magpakita sa mga taong gusto naming pakitaan, Supremo.”

Ito pala ang mga Barbak? They were all black…like shadows in the dark but taking forms of a man? Emanuela once said that they look like silhouettes

. “Sinong gumawa sa inyo?” Ang mga bampira lamang ang may kakayahang gumawa ng mga Barbak. Ngunit kapalit niyon ay ang sakit na matagal ding mawawala. At ang pinakaunang ginawang Barbak ay konektado sa buhay ng bampira. The two will be inseparable.

“Pasensya na ngunit pinagbawalan kaming sabihin sa iyo. Wala na ring saysay dahil sisiguraduhin naming mamamatay ka na ngayon.” At sumalakay sa kanya ang limang Barbak.

Napakabilis ng mga itong kumilos. They were fast like the wind. Iba pa rin kapag nakikita mo ang pagsalakay ng iyong mga kalaban.

Naging maingat ang pag-atake niya. Hindi maaring dumampi ang balat niya sa kanila. It’s also a big no to their bite.

Itinaas niya ang kanyang espada at itinarak sa dibdib ng papalapit na Barbak. Bigla itong naging abo. Nagpatuloy ang labanan hanggang sa mapatay niya ang apat. Isa na lang.

His strength was draining. Sweat coated in his forehead. Nanginginig na rin ang kanyang kamay sa sobrang pagod.

Tumaas ang sulok ng pang-ibabang labi ng Barbak. “Magaling ka talaga, Supremo.”

Itinutok niya ang espada rito. He controlled his breathing. “Ikaw ba ang pinuno ng Barbak?” Kapag mapapatay niya ang pinuno o ang pinakaunang ginawang Barbak, para na rin niyang pinatay ang bampira. Gustuhin man nitong gumawa pa ng ibang mga Barbak, mahihirapan na ito.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon