chapter 02

77 34 56
                                    

--Shacy's POV--

Nakakatakot naman pala maging spirit questors! Maramdaman mo kaagad yung malakas na hangin kahit nasa loob ka ng kotse! Whoosh! Pinagpasiwan tuloy ako dito!

"Questors?" Takang tanong ni insan.

Tsk! Ang slow talaga ni insan!  >>.<<

"Hindi mo alam ang ibig sabihin ng questors, insan? Questor is one of numerous ancient Roman officials concerned chiefly with financial administration." Pagpapaliwanag ko pa ngunit tinignan niya lang ako ng masama.

Hayst! Siya na nga 'tong tinutulungan, siya pa 'tong galit.

Manahimik na nga lang. Psh!

'Hi, I'm chucky wanna play?'

Psh! Napaigtad tuloy ako dahil sa tunog ng cell phone ko. Dinampot ko ito at notifs na naman mula sa fb. Teka! Nakalimutan ko palang i-off yung mobile data! Huhuhu! Twenty-four percent nalang tuloy ang buhay ng baby cell phone ko.

*nguso*

Napatingin ako sa rear-view mirror para tingnan ang sarili ko. Hihihi! Ganda ko talaga!

Pero teka nga. Naalala ko tuloy yung sinabi kanina ni insan. Business meeting? Eh bakit kami sinama ni mommy, eh wala naman kaming business ni insa---Oh My Gas! Don't tell me ipa-public announce ni mommy yung ginawa ko sa pagpatay ng ipis kanina? Waaaaahhhh!!!! Huhuhu!

Totoong makapal ang mukha ko pero---iiihhhh! Nakakahiya kayang ipagkalat ni mommy na criminal ang anak niya. Eh ano nalang ang sasabihin ng tao sa'kin? Huhuhu!

"Huhuhu!"

"Hoy, insan okay ka lang?"

"Baby Cy, may masakit ba sayo?" Hindi ko tuloy napansin na hininto pala ni mommy yung kotse at worried sila ngayong nakatingin sakin.

"M-mommy, m-may dalaw po yata ako ngayon. Masakit kasi 'tong puson ko eh. Hihihi. Pwede po bang huwag nalang tayo tumuloy sa business meeting?" Pagpapalusot ko pa. Huhuhu! Ayaw ko talagang magkaroon ng issue si mommy dahil sakin.

"Eh, baby Cy, this meeting is very important. You know naman kung gaano ako ka busy diba?"

"Eh, Tita Shan bakit niyo pa po kami sinama?" Yan rin sana ang itatanong ko kaso naunahan ako ni insan.

"Well, I'm planning to spend my time with you two after the meeting. That's why sinama ko nalang kayo keysa namang uuwi pa 'ko sa bahay para kunin kayo, diba? Less hassle is better." Eh?

"Mommy akala ko ipa-public announce niyo yung ginawa kong pagpatay sa ipis, tapos itaboy niyo ako na parang basura, tapos mahihiya kayo sa harap ng maraming tao dahil criminal yung anak niyo, tapos---"

"Pfftt!" Napatingin kaming dalawa ni mommy kay insan na may halong pagtataka.

"Insan, medyo malala na nga 'yang sakit mo." Seryoso kong ani. Natatakot na talaga ako minsan kay insan. Mukha siyang ewan na tatawa nalang bigla kahit nasa seryusong sitwasyon kami ngayon.

"Baby Cy, don't be too exaggerated. Yan na ang napapala mo sa kakapanuod ng telenobela at pagbabasa ng mga pocket books." *pout* "Masakit pa ba 'yang puson mo, baby Cy?" Worried na tanong ni mommy kaya umiling nalang ako.

"Hi.hi.hi charot charot lang po 'yon mommy, nag pa-practice lang po ako para sa theatre na sinasalihan ko sa school." Nag peace sign pa ako habang sinambit iyon.

"You make me worried sick, Baby Cy. Don't do that again." TT__TT

Tumango nalang ako bago pinagpatuloy ni mommy ang pagmamaneho. Napatingin naman ako kay insan ng bigla niyang kinagat yung dala niyang face towel saka tumawa ng mahina.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now