Chapter 05

60 28 38
                                    

--Julie's POV--

Hindi ko alam kung saan kami patungo. Nasa byahe parin kasi kami. Si insan naman busy parin sa paggamit ng phone ko, mukhang seryosong seryoso sa kaniyang binasa. Sa tuwing sisilip naman ako para malaman kung ano ang binasa niya ay uusod naman siya palayo.

Naku-curious tuloy ako. Paano kapag binasa niya pala ang mga text messages ng boyfriend ko? Tapos pinakialaman ang mga gallery ko na puno ng---(>.<) basta! Abs lang naman kasi ng mga lalaki ang laman ng gallery ko eh!

"Hi.hi.hi insan oh!" Ngiting abot sakin ni insan ng phone. "Ngayon alam ko na insan. Hi.hi.hi."

I don't know what she was talking about kaya tiningnan ko nalang phone ko. Ino-open ko ang previous app na ginamit ni insan. At mukhang Google lang naman ang-----WHAT THE FVCK?!

*blink!*

*blink!*

"Purple yung kulay na ginamit mo insan no? Hihihi! Akala ko pa naman pabango, parang shampoo lang pala ng alaga mo. Hi.hi.hi."

Alam niyo kung ano ang binasa niya?! The hell! Akala ko pa naman kung ano na! Tungkol lang naman pala sa Ph care!!

*face palm!*

Namumula tuloy ako sa hiya!

"Wag kang mag-alala insan. Hi.hi.hi hindi ko ipagkalat na kulay purple pala ang ginamit mong--" hindi niya naipagpatuloy ang sinabi niya dahil masama ko siyang tiningnan.


Nakakahiya talaga!

"S-sige insan ipagkalat ko nalang. Hihihi!" (>_< )

"Ayaw mo ba talagang tumahimik diyan, insan?!" Naniningkit kong bulyaw sa kaniya't nag act naman siyang zine-ziperan ang labi.

Dios ko!

Baliw talaga!

********

---Shacy's POV---

Nakakatakot talagang magalit si insan! Kung makatingin kasi parang masusunog na ako dahil sa nagbabaga niyang mga mata.

Eh wala naman akong ginawang masama. May dalaw lang siguro si insan kaya siya ganiyan.

*iling!*


Bakit kaya gumagamit si mommy at insan ng Ph care? For freshness ba kamo? Eh pano naman nasabi ni Google na for freshness, eh nakita na niya kaya? Naka tago naman 'yon, diba? Hayst! Ang gulo na talaga ng panahon ngayon! Hindi ko masyado gets ang sistema. Tsk! Tsk!

Tumingin nalang ako sa side window ng kotse at halos magnining-ning na ang mga mata ko sa aking nakita!

(♥ 0 ♥)

Amusement park!


"Waaaaahhhhhhhh!" ang ganda talaga! Tanaw na tanaw ko na ang carousel mula dito sa bintana ng kotse! Halos mapapalakpak pa ko sa saya!


Feeling ko nag slow-mo ang lahat! Yung tipong nawalan ng gravity ang Earth!

Pagkatapos pina-park ni mommy ang kotse ay pinapangunahan ko na sina insan papasok sa park! Hihihihi! Namiss ko na kasi ang mga kabayo! Hihihi!

"Baby Cy! Don't get rush! Baka madapa---"

"Aray!" Huhuhuhu! Hindi pa nga ako tuluyang nakapasok sa loob ng park nadapa na agad ako. (TT___TT) nagkahalikan tuloy kami ng lupa!

"Oh my goodness! Baby Cy!" Nagwawalang sigaw ni mommy.

Ng tumingin ako sa paligid ay nasakin na pala ang mga mata ng tao ditooo! Huhuhu! Center of attraction tuloy ang peg ko ngayon. Panginoon, kunin niyo na po ako ngayon na huhuhuhu!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now