014

356 40 61
                                    


his nightmare
────────────

Hixiel

Tang ina ang init pa naman tapos naka turtle neck ako. Siguradong tatanungin na naman ako nito.

"Mabuti lang talaga at walang klase" gigil kong sabi kay Rhesia pero natawa lang ito.

"Hixiel nandito lang kami, you don't have to be afraid. If may gusto kang sabihin just tell us" I bit my tongue.

Bakit ba ayaw nila maniwala na wala akong alam? I don't know siguro sinisira nung gumagawa nito yung pagkakaibigan namin. We didn't even do something wrong.

"Promise wala akong alam, baka sinisiraan tayo"

Kami yung naka assign mag luto ng snacks ngayong hapon. Yung iba wala kasi may sinalihan ma contest. Kami lang ni Rhesia nandito yung iba nasa labas or ewan.

"Hixiel I guess alam ko na bakit ganyan suot mo" tinaasan ko ng kilay itong si Snow. Isa siyang 1st year kakalipatnlang niya dito kahapon at ito siya super friendly to the point nakakainis.

"So what's your guess?" paghahamon ko kay Snow. Si Rhesia naman naiintriga kaya napatigil sa pag hugas ng patatas.

"You have a hickey"

"What the hell? Ano pinagsasabi mo diyan. Alam mo itulog mo nalang yan" tawang sabi ko sa kanya paano naman niya naisip yun? Akala ko nga alam niya talaga.

"Well duh syempre magkakaroon ka nun dahil kay Huero" napakunot yung noo ko at ito naman si Rhesia mukhang alam na niya tinutuloy ni Snow kaya bumalik na ito sa paghuhugas.

"Ano naman meron kay Huero"

"Ok you want me to explain. Ok here, first ay pagod na pagod ka the whole day, second kahit pagod ka blooming ka ata ngayon, third naka turtle neck ka, fourth nakita ko si Huero lumabas sa kwarto mo kaninang umaga, fifth he also looked tired" so? anong connect dun gaga ba siya. Wag na siya dumagdag sa inis ko.

"Oh ito na yung pinabili niyo" hinablot ko yung plastic bag kay Huero at nilapag ito sa counter.

Naiinis din ako sa isang yan eh. Ang drama masyado kahit pag ihi ko kaninang madaling araw sinamahan ako, kahit uminom ako tubig sasamahan ako kahit antok na antok siya. Sounds sweet pero nakakainis kasi panita yung pagrereklamo niya na ang likot ko raw.

Ano ba gusto niya maihi ako sa kama ko? Paglabalik ko sa lamesa ay nakita kong nakatitig si Snow kay Huero. Ano na namang drama to?

"Finally, yung leeg ni Huero" mas sumama yung timpla ko dahil hindi pa pala tapos itong babaeng to.

"Anong meron sa leeg ko" napatingin ako sa leeg ni Huero na agad niya namang hinawakan.

"You two have sex last night? Wag na kayo mahiya normal lang naman ata yun. Next time Huero lagyan mo concealer yung love bite mo" doon na nag sink in yung lahat na pinag sasabi ng babaneg to.

"Magaling" tawang tawa si Rhesia kulang nalang mauuntog na ulo niya kakatawa eh.

"Alam mo hindi nakakabuti ang pagiging chismosa. Ako pa sayo tulungan mo nalang kami dito" inis kong tinapon sa kanya yung tomato.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon