Chapter 29

102K 2.9K 113
                                    

"NAKILALA ko si Robert sa club kung saan ako nagta-trabaho. Naging exclusive ako para sa kanya. Hanggang sa isang araw, nakilala ko si Elesio nang minsang isama siya ni Robert sa club." In spite of all the sadness and frustration of the circumstances, Wilson could notice the spark flickered in his mother's eyes.

"Unang kita ko palang sa kanya nagustuhan ko na siya. Nanghinayang ako! Naisip ko na sana siya na lang si Robert o di naman sana ay siya ang unang nakilala ko. Mas lalo akong humanga sa kanya nang tanggihan niya ang babaeng inalok sa kanya. Isa sa star ng club. Tapos, alkalde pa pala siya, at si Robert ay bali-balitang leader ng sindikato. Mula noon, halos gabi-gabi nang kasama si Elesio na nagpupunta sa club pero hindi siya kumukuha ng babae. Minsan, dumating siya na hindi kasama si Robert. Mag-isa lang siya kaya ako ang nag-entertain sa kanya since ayaw niya ng ibang babae. Nagtungo si Robert sa China ng mga panahon na iyon. Halos gabi-gabi kaming nagkikita ni Elesio hanggang aminin niyang gusto niya ako unang kita palang niya sa akin. At ako ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi siyang nandoon kahit hindi naman talaga niya hilig ang pagpunta sa ganoong lugar at may pinuprotektahan siyang imahe dahil isa siyang alkalde." Saglit na tumigil sa pagkukwento si Nadia at ibinaling ang tingin sa pinto ng operating room.

"Ang saya ko nang magtapat siya, Eli! Noon ko lang naramdaman ang ganoong kaligayahan. Para akong reyna kung itrato niya kahit isa akong hostess sa isang club. Maraming lalaki ang handang bayaran ako ng malaking halaga para sa isang gabi but your father, Elesio never did that. Kuntento siyang mahawakan lang ang kamay ko. Mamasyal sa parke na magkahawak kamay. Ipinaramdam niya sa 'kin na ang linis-linis ko. I  immediately fell in love with him kaso lang..." Pumatak ang luha mula sa mata ni Nadia.

"Nalaman ko na lang na nagdadalang tao na ako. Inaasahan ko na ititigil na niya ang pakikipagkita sa 'kin pero hindi... hindi niya ginawa, at sa halip gusto niya akong pakasalan at maging ama mo. Alam namin na magagalit si Robert pero mahal namin ang isa't isa at hindi ko gustong kamulatan mo ang gawain ng tunay mong ama. Nagpakasal kami agad-agad. It was a civil wedding." At ikinasal muli ang kanyang mga magulang sa simbahan. Tatlong  taong gulang na siya nang mga panahon na iyon at siya pa ang ring bearer.

"Sa pagbalik ni Robert, kasal na kami ni Eliseo. Hindi naman siya nagpakita ng galit. Tanggap naman niya. Iyon ang akala namin dahil iyon ang ipinapakita niya. Nakita rin naman namin na mukhang masaya na rin siya lalo nang mabuntis niya si Samara." Ang ina ni Samantha.

"Kaso nag-iba si Robert nang malaman niya ang pangloloko ni Samara sa kanya. Nang malaman niyang hindi pala niya totoong anak si Samantha. Gustong-gusto kasi ni Samara si Robert noon pa man kaya isa si Samara sa nagtulak sa 'kin kay Elesio para mabaling ang atensiyon  ni Robert sa kanya."

"Ibig mong sabihin magkakilala kayo ng mama ni Samantha noon pa man."

"Magkasama kami sa club. Star ng club si Samara at siya ang nagpasok sa 'kin sa club na 'yon. Gustong-gusto ni Samara si Robert dahil bukod sa may itsura ay mayaman pa. Ambisyosa si Samara, gusto niyang makaalis sa club at tuparin ang pangarap na pasukin ang fashion industry na nagawa naman niya ngayon. Kaya hindi ako magtataka nang ipaako niya kay Robert ang ipinagbuntis niya. Kaso napakaling pagkakamali ang ginawa niya. Isinakripisyo niya ang sarili niyang anak para sa ambisyon niya. Napakabait na bata pa naman ni Samantha. Napunta lang sa mga walang kwentang magulang."

"Buong akala ko, hindi alam ni papa na isa akong bastardo. Nilinlang ako ni senator. Pinaniwala niya akong walang alam si papa na anak mo ako sa iba."

"Sandali. Ano ang ibig mong sabihin? Alam mo ang tungkol sa bagay na ito?"

Tumango si Wilson. "Alam kong anak mo ako sa ibang lalaki pero hindi ko naman akalain na si Robert pala. Sinabi sa 'kin ni senator ang lahat, at nagbanta siyang sasabihin kay papa ang tungkol sa pagkatao ko kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. Natakot naman akong, baka iwan ka ni papa. Alam ko kung gaano mo kamahal si papa kaya sumunod na lang ako sa gusto ni lolo."

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon