Hi po! Matagal na po akong nagbabasa ng mga stories nyo dito and hindi ko akalain na magse-send din ako ng ganito dahil sa pangyayaring aming nasaksihan.Call me Rainier (not my real name) May grupo kami bilang isa akong Rider (Riding Community), hindi ko na po babanggitin. This Story ay para maging aware kayo sa pag-akyat.
Sunday Morning. May charity kami sa Bustos, Bulacan noon kasama ang iba pa naming kagrupo. Sama-sama kaming nag-agahan at nag-gear up noong araw na yun. Ok naman ang lahat hanggang sa makarating kami sa Charity Event. Napagkasunduan ng grupo na akyatin ang Tila Pilon Hills kahit hindi namin napag-usapan.
(Fast Forward)
Nakarating kami ng Tila Pilon Hills ng walang kahit anong aberya. Nagtatawanan kami at naglolokohan sa radyo na gamit namin. Kainan ulit bago umakyat pero may isang bagay kaming hindi nagawa. Ang magdasal.
Nagpahinga kami for 30 Minutes and still no prayer. Sigaw kami ng sigaw noon habang paakyat kami. 30+ kami lahat nun and talagang bundok siya so ang makakarinig lang sa inyo ay ang mga taong nakatira doon. Ang dami naming binabati sa lugar (ang ganda nito, ang ganda niyan. ang baho, ang pangit ng daan). Puro sigaw na may mura ang maririnig mo.(Fast Forward)
Nakaakyat na kami sa taas and It's so mainit. Kumpulan kami sa isang puno para sa lamig. Kanya-kanyang vlog. Maganda ang tanawin at hindi ka tatamarin.(Fast Forward)
Nakababa na kami and also. Pahinga konti and uwi na (without praying). Isa sa mga members ko ang nagka-aberya sa motor niya. Yun ay yung hindi makaahon ang motor niya samantalang nung papunta kami ay ayos naman siya at kahit tresera ay umaahon. Apat na beses na siyang namatayan ng makina so we check if ok yung mga spark plug and carburator. Bago ang spark plug so hindi iyon at maayos ang carburator kaya lalong hindi iyon. "Rainier, tulak nalang kaya natin?" "Sige 'Tol, itutulak ka ng kapatid mo".
Itinulak siya hanggang Baliwag, Bulacan noon from San Ildefonso (dahil naikot namin ang kalawakan kaya nakarating kami doon). Pinahinga namin yung motor niya and mabuti at umandar siya. Going Bypass Road (Tarcan) kalagitnaan na kami ay namatay na naman. Dalawa na lang kami sa grupo noon dahil pinauna ko na sila. Nasalpok ko pa siya sa likod noon. Gumilid kami at tiniyaga naming paandarin dahil 5km na lang kami sa bahay.(Fast forward)
Umandar na siya and nakauwi na kami. Pahinga na kami noon. 11:30pm nakatambay ako sa labas ng bahay at nagyoyosi. Natanaw kong bukas yung ilaw ng motor na gamit ng member ko (take note : yung motor po ay sa GF ko at ipinahiram lang namin sa kanya so dito siya naka-park sa bahay). Dali-dali kong pinuntahan yung motor para patayin yung ilaw. Kinuha ko yung battery dahil baka nagloloko lang ang switch then doon ko na-realized na walang wiring yung motor at pundido yung ilaw niya. Ipinagwalang bahala ko yun para mawala ang takot ko.Wednesday (same week) kasama ko ang isa sa mga members ko. Naglalakad kami noon pauwi sa bahay ng matanaw ko ulit ang motor na bukas ang Ilaw. Sinabihan pa ako ng member ko na "Rainier, baka pinag-aaralan ang motor mo. Tingin-tingin ka sa paligid." "Sige, wait patayin ko lang ang ilaw". Nung 2 meters na lang ako ay bigla itong namatay. Hindi ako nakakibo. Napaatras ako dahil una sa lahat. Walang witing at walang battery ang motor na iyon at lalung pundido ang ilaw non. Umatras kami ng kasama ko at wala kaming nagawa kundi umalis sa parking.
Napagkasunduan namin na ipadasal ang motor. Ang sabi sa amin ay baka may naiangkas ang isa naming kasama. May nabulabog kami sa lugar kaya ito sumama ay para paglaruan kami.
Sa mga aakyat ng Tila Pilon Hills. Walang mawawala kung magdadasal kayo. Wag maingay sa lugar. Galangin ang mga nasa kapaligiran. Enjoy the Nature. Shinare ko itong Story na ito dahil sa mga pictures ng kasamahan namin ay may pugot na ulo. Ang dami naming pictures na binura dahil sa takot.
Salamat sa pagbabasa.
Anyway, kung curious kayo kung ano yung umangkas, Tikbalang po ayon sa Tawas.-PMRCxLRGxPCRC-
#2019 #TilaPilonHills

YOU ARE READING
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree